๑ ๑♡✿♡๑ ๑ JHUSTINE KIM's POV Napaka bigat, napaka antot, napaka gulo at lahat na ng napaka nasa kanila ng dalawa. Buraot kung buraot, walang paawat at lahat na ata ng sakit sa ulo ay binigay nilang dalawa sa'kin ngayong gabi. "Umayos ka Liam! Itaas mo 'yang pants mo kung ayaw mo malintikan!" Hiyaw ko sa kaniya habang hindi ako makatingin sa brief niyang green at inaakay naman si Migs papuntang banyo sa unit ni Liam para doon sumuka, bahala sila d'yan hinding hindi ko sila papasukin sa kwarto at banyo ko. "Kim! Kim! Tignan mo oh, inuwian ka namin ng samgyupsal alam kong gusto mo 'to eh saka itong stuffed toys," sabi ni Liam sabay angat ng pagkain at ni Teptep, napailing na lang ako pero nakahinga na rin nang ayos dahil naisuot niya na ang pants niya kaso sakit pa rin talaga sa ulo kaya

