Marahan ang bawat hakbang na ginawa ng dalawang magkapatid. Sa sandaling mailapat ng magkapatid ang mga paa sa lupa, tila nakabubuhay na emosyon ang bumisita sa diwa nila. Hindi pa man tuluyang nababawi ang kaharian ng Adeleuse, anong saya na ang nararamdaman nina Prinsipe Elliot at Prinsesa Elysia. Naiwan din ang dalawa na manghang mangha sa tanawing ihinahatid sa kanila ng llugar. Matagal na panahon na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin lubusang nagbabago ang lugar. Ang pisikal na anyo nito mula noong iwan nila ay ganon pa rin. Liban na lang sa madilim na awra nito buhat ng pamunuan ng itim na kapangyarihan ni Zyldian. Mapapansin ang naiwang bakas ng digmaan at pati na rin ang malungkot at nakatatakot na simoy ng hangin sa paligid ng kaharian. “Ibig mo bang sabihin, ng

