Chapter 18: Breakfast Babi's POV Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata, mabibigat ang matang dumilat ako. Pagka dilat ko ay mabilis rin akong napa pikit ng mata dahil sa nakaka silaw na liwanag ng sinag ng araw. Ilang beses pa akong kumurap kurap upang mag adjust ang aking mata, at hindi nga ako nabigo at unti unti ay lumilinaw ang kaninang malabo na paningin ko. Sa paglinaw ng aking paningin ay napansin kong wala ako sa aking sariling silid kaya naman napabalikwas ako ng bangon ngunit kaagad rin akong napa kagat labi ng bigla ay sumakit ang buong katawan ko. Hala. Huhuhu. Bakit masakit ang katawan ko? Halos mapugto ang labi ko sa sobrang pagkakadiin ng pagkagat ko roon. "O-ouch.." Hindi ko napigilan ang mapa daing sa sobrang sakit ng aking p********e.

