EROS'S POV Napakunot ang noo ko ng bigalang hilahin ni Master Chandler si Noraisa, alam kong mali na sundan silang dalawa pero gusto ko kasing masigurado na magiging okey lang ito. Tumago naman ako ng huminto na sila ni Master Chandler. Hindi ko mashadong marinig yung pinag uusapan nila, pero halatang nag tatalo silang dalawa. Mukng si Noraisa na naman ang lugi dito, ano bang laban nya sa cold hearted boss namin na wala ng ginawa kundi ang pag initan sya. "Eros, what are you doing here?" "Ay anak ng tinapa!" Gulat na saad ko at napahawak ako sa dibdib ko. Napakunot ang noo ni Sir Marky kaya bago pa kami mapansin nila Master Chandler na nandito kami at agad kong tinabunan ang bibig ni Sir Marky. Sa pagpapanic ko ay naisandal ko pa ito sa pader habang sobrang lapit ng katawan namin sa

