"What's going on here?" Agad na napabitaw ang mag kapatid sa kamay ko dahil sa pag pasok ni Marky sa opisina. Nakahinga ako ng malalim, salamat sa pag dating ni Marky. Lumbas na ng opisina si Master Ayden na walang imik. Nilampasan nga lang nito si Marky na parang hangin. Pinulot ko naman yung folder at inabot ito kay Master Chandler. "Ano to?" Nakakunot na tanong nito. "Pinapabigay po ng Lolo nyo, ducoments daw po na gagamitin nyo sa meeting." Sagot ko dito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Napailing nalang ito at napabuntong hininga. "Marky, pakisabay nalang si Noraisa pa balik ng mansion." Saad ni Master Chandler at bumalik na ito sa table nya. Bago kami lumabas ng opisina nito ay nag katinginan pa kaming dalawa. Yung mga tingin nya na matatalim na mahirap iwasan kaya kusa ka n

