Noraisa's Pov Nakauwi na kami ng mansion, bali after photo shoot ay bumalik na din kami ng hotel para mag check out. Back to normal na naman kami na para bang wala kaming pinag samahan. Hirap talagang unawain ng ugali nitong si Master Chandler, talo nya pa ang babaeng nag me-menopause at nireregla dahil sa kanyang pagiging moody. "Nag enjoy ka ba sa lakad nyo ni Chandler?" Nakangiting tanong ni lord Gabriel sakin. "Nag enjoy naman po ako lalo na nung makilala ko si Mrs.Chung, sa katunayan nga po ay pinapabalik nya kami ni Master Chandler sa opening ng resort." Nakangiting sagot ko dito. "Hindi ka naman ba sinungitan ni Chandler?" Muling tanong nito kaya umiling at ngumiti ako dito. Ayukong sumama ang loob ni lord Gabriel dahil lang sa pakikitungo sakin ng apo nya. Isa pa ayos lang na

