Chapter 4:Prangka

1559 Words
After ng morning walk ni Lord Gabriel ay hinatid ko na ito sa kwarto nya para maligo. Inayos ko na din ang susuotin nito para sa pag alis nya mamaya. "Anong pinakain mo kay Lord Gabriel at napaka bait nya sayo?" Agad akong napatingin kay Marky na kakapasok lang ng kwarto ng amo namin. "Hindi ko alam, required ba kay Lord Gabriel na mag sungit sa lahat?" Tanong ko dito kaya napakunot ang noo nito. "Paprangkahin na kita Miss Arinola." "Excuse me, it's Areola, hindi Arinola!" Inis na sabi ko dito kaya medyo napangiti ito pero agad ding sumeryoso ang muka nito. "Sorry I'm wrong, tatapatin na kita Ms.Areola. Kung balak mong akitin si Lord Gabriel, ngayon palang ay binabalaan na kita." Saad nito kaya napakunot ang noo ko. "Hindi ka mag tatagumpay sa plano mo dahil ngayon palang ay pipigilan na kita." Muling saad nito kaya kulang nalang ay mag dikit ang mga kilay ko dahil sa pag kakalukot ng noo ko. "Hindi ka ba kinikilabutan sa mga sinasabi mo? Sa tingin mo talaga gagawin ko yun? Utang ko kay Lord Gabriel ang buhay ko, kaya bakit ko sya pag sasamantalahan. Isa pa, para ko na syang Lolo!" Inis na sagot ko dito. "Anong nangyayare dito? Nag aaway ba kayong dalawa?" Tanong ni Lord Gabriel na kalalabas lang ng banyo. Napayuko kaming dalawa ni Marky pero bahagya naming sinisilip ang isa't isa. "May mga pinaliwanag lang po ako kay Noraisa." Saad ni Marky. "Ganun ba, sige na Noraisa Mauna kana sa dining area." Saad ni Lord Gabriel kaya lumabas na ako. Pero bago ako lumabas ay nag katinginan ulit kami ni Marky. Bwesít na lalaki na yun, tama bang pag isipan ako ng ganun. Sa tingin nya talaga masisikmuraan ko na mang akit ng isang matanda para lang sa pera? Kahit mahirap lang ako, may dignidad pa naman na natitira sa katawan ko. Isa pa, hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para manloko ng tao. Papatunayan ko sa Marky na yan na mali ang paratang nya sakin. Nandito ako para mag trabaho ng marangal, hindi para mang akit ng mayaman para umangat sa buhay. - "May nangyare ba? Bakit hindi mapinta yang pagmumuka mo?" Pag aalalang tanong ni Eros sakin. "Nakakainis kasi yung secretary ng boss natin. Akala nya ata may balak akong akitin si Lord Gabriel para sa pera." Inis na sagot ko dito kaya napahinga ako ng malalim. "Pag pasensyahan mo na yang si Sir Marky. Pamangkin sya ni Lord Gabriel, kaya siguro gusto nya lang din protektahan ang Tito nya." Paliwanag nito kaya medyo kumalma na ako. "Napaka prangka talaga nyan ni Sir Marky. Isa may pagkasuplado din, talagang na nanalaytay sa dugo nila ang pagiging suplado." Nakangiting saad ni Eros. Pumwesto na kami malapit sa dinning table dahil pababa na si Lord Gabriel. Naka ready na din ang breakfast nito. Habang pa baba sila ng hagdan ni Marky ay muling nag tama ang mga mata namin. Inirapan ko naman ito at agad ding umiwas ng tingin sa kanya. Kung masungit ka sakin, pwes susungitan din kita. Hindi porke apo ka ng boss natin pwede mo na akong ganyanin. Parehas lang tayong trabahador dito, parehas lang tayong sinuswelduhan dito. - "Bakit wala pa si Ayden and Chandler?" Nakakunot noo na tanong ni Lord Gabriel kay Marky. "Pa baba na po." Sagot ni Marky dito. "Good morning Grandpa." Sabay na bati ng dalawang lalaki kay Lord Gabriel. Palihim kong sinilip ang dalawang lalaki mula sa kanan at kaliwang pwesto ko. Ito na marahil ang mga apo ni Lord Gabriel. Naupo na ang mga ito, napakalayo nila sa isat-isa. Kaya naman pala tatlong set ang nakahain dahil mag kakalayo sila ng mga upuan. Para namang may virus sila na nakakahawa. Maging sa mga silid nila, mag kakalayo sila. Para tuloy silang hindi mag kakadugo. Tiningnan ko ang lalaking medyo brown ang buhok. Sya yung lalaking nakita ko sa 4th floor kaninang umaga habang nag lalakad kami ni Lord Gabriel. Hindi ko maitatangi na gwapo ito, at may magandang hubog ng katawan. Bigla akong napalunok ng bigla itong napatingin sakin kaya agad akong yumuko. Sh*t, mukang napansin nyang nakatingin ako sa kanya. - "Nabalitaan kong may sarili ka ng maid Lolo. Medyo na intriga ako sa bago mong maid, pwede mo ba syang ipakilala samin?" Saad ng isang apo nito kaya napatingin ako dito. Shuta, ang gwapo nya din, grabe din naman itong genes ni Lord Gabriel. Pang celebrities ang datingan ng mga itsura nila. Natigilan si Lord Gabriel sa pag kain nya at tumingin ito sakin. Sumenyas ito sakin na lumapit ako sa kanya kaya bilang masunuring bata ay lumapit ako dito kahit na kinakabahan. Feeling ko matutunaw na ako sa mga oras na to. Lahat kasi ay nakatingin samin ni Lord Gabriel. Ano kaya ang tumatakbo sa isip nilang lahat? "Noraisa, sila ang mga apo ko. Si Chandler and Ayden." Pakilala ni Lord Gabriel sakin. "Nice to meet you Noraisa, paki alagaan ng mabuti ang Lolo namin. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin." Saad ni Ayden ay ngumiti pa ito ng kakaiba. Medyo napakunot ang noo ko dahil sa makahulugang sinabi nya. Ewan ko ba, pero iba ang dating nito sakin. Tiningnan ko naman ang apo nitong si Chandler. Alam kong wala syang tiwala sakin tulad ni Marky. Yung way nya kasi ng pag tingin sakin, halata namang kinikilatis nya ako. Ganito ba talaga silang mga mayayaman? Papatunayan ko sa kanila na nag kakamali sila ng tingin sakin. --- 11pm na at tahimik na sa buong mansion. Hindi ako makatulog kaya pumunta ako ng kusina para mag timpla ng gatas. Maraming gumugulo sa isipan ko, hindi kasi ako sanay ng ganito. Yung pinag dududahan ako ng mga taong nakapaligid sakin. Wala naman akong dapat na ipangamba dahil in the first place, alam ko sa sarili ko na maganda ang intesyon ko sa amo ko. Hays, feeling ko tuloy mag krimen akong ginawa. Habang nag titimpla ako ng gatas- "Hindi ka makatulog?" Agad akong napatingin sa lalaking nag salita. Nakasandal ito sa gilid ng pintuan. "K-kayo po pala Master Chandler." Nauutal na saad ko dito. Lumapit ito sakin at kinuha ang gatas na tinimpla ko. Mag rereklamo pa sana ako dahil para sakin yung gatas na yun. Pero naalala ko na apo sya ng boss ko kaya nag timpla nalang ulit ako ng panibago. After kong mag timpla ng gatas ko ay aalis na sana ako ng kusina para doon nalang sana inumin yung gatas ng bigla na namang mag salita si Master Chandler. "Samahan mo muna ako dito, Isa pa may mga itatanong din ako sayo." Saad nito kaya naupo na ito sa silya. Napalunok ako dahil mukang sasalang ako sa hot seat. Bali nasa isang table kami, pero nasa magkabilang dulo kami naka upo. Hindi ako mapalagay sa sitwasyon ko, ewan ko ba at kinakabahan ako ng bongga. Feeling ko hindi din makakatulong ang pag inom ko ng gatas ngayon gabi. Mas lalo lang akong hindi makakatulog dahil sa pag haharap namin ngayon ni Master Chandler. "Narinig ko mula kay Marky ang nangyare sayo at kung paano ka nakilala ni Lolo." Saad nito sabay inom ng milk nya. Tiningnan ko ito, talagang napaka gwapo nya. Pero hindi yun dapat ang pag laanan ko ng pansin kundi ang mga sinasabi nito sakin. "Pasensya na kung pinag dududahan ka namin Noraisa. Ngayon lang kasi si Lolo pumayag na mag karoon ng sariling maid na babae. Isa pa, maganda ka at sexy. Ayuko namang isipin na type ka ng Lolo namin." Saad nito kaya na upo ako habang umiinom ng gatas ko. "Okey ka lang ba?" Tanong nito. Pinakalma ko yung sarili ko kahit na masakit yung lalamunan at loob ng ilong ko dahil sa pag pasok ng gatas dito. Para na akong maiiyak pero si Master Chandler, hindi manlang nag bago ang pwesto nito at tiningnan lang ako. Wow talaga, hindi manlang makitaan ng pag aalala. Kahit ba sabihin natin na amo ko sya, wala manlang syang concern citizen sa katawan. "O-okey lang ako Sir, salamat sa pag tatanong." Sarcastic na sagot ko dito kaya napataas ang isang kilay nito. "Okey back to the topic tayo. Siguro naman naiintindihan mo ang mga sinasabi ko sayo. "Saad muli nito. "Opo, hindi man ako nakapag college pero alam ko po ang pinupunto nyo. Kung sa tingin nyo po na nandito ako para mag take advantage sa kabaitang pinapakita sakin ng Lolo nyo, nag kakamali po kayo Master Chandler. Isa pa po, sa tingin nyo po talaga mag kakagusto sakin ang Lolo nyo? Ano nalang po ang iisipin ni Lord Gabriel kung pati sya ay pinag iisipan nyo ng ganyan?" Nakangiting saad ko dito. Napakunot naman ang noo nya habang nakatingin sakin. "Huwag po kayong mag alala Master Chandler. Ako na po ang kusang aalis kung sakaling mahulog sakin ang Lolo nyo. Ako na po ang lalayo para sa ikakapanatag ng kalooban nyo. Maari na po ba akong umalis?" Nakangiting saad ko dito. Pero ang totoo nyan ay malapit na akong sumabog. "Sige, you may go." Saad nito at muling humigop ng gatas sa baso nya. Kinuha ko na gatas ko at lumabas na ng kusina. Grabe din ang isang yun, mas matindi sya kay Marky. My gosh Lord Gabriel, bakit ba ganito tong mga lahi mo. Bakit ang layo layo ng ugali nila sa ugali mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD