Chandler's Pov Malayo-layo pa ang uuwian namin ni Noraisa, napansin ko na nilalamig na ito dahil sa suot nya. Nang matapat kami sa stop light ay hinubad ko yung suot kong blazer suit. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, kahit na alam kong galit ako sa kanya. Inabot ko to sa kanya na hindi manlang tumitingin. Mula kasi ng sumakay kami sa sasakyan ay walang umiimik samin. "Thank you po." Saad nito kaya napatingin ako dito. Napansin ko ang pamumula ng mata nya, ni hindi ko napansin na umiyak ito. Paano nya nagawang umiyak na wala manlang nililikhang ingay. Sabagay, mata naman ang umiiyak at hindi bibig. Anong klaseng pag iisip ba ang meron ako ngayon? Nang mag green light na ay nag pa tuloy na ulit ako sa pag mamaneho. Dahil mag aalas dose na ay nag park na ako sa isang restaurant. A

