CHAPTER 10

3222 Words
3RD PERSON'S POV: "King," all men bow down to him nang lumabas si King sa sasakyan. Everyone is shivering in fear when they noticed his veins bulging on his hands dahil sa higpit ng pagkakakuyom niyon. Kung pwede lang silang magmakaawa para sa buhay nila ngayon pa lang ay gagawin na nila. Sa mukha ni King ngayon ay mukhang hindi ito magdadalawang isip na mawalan ng tauhan nang wala sa oras. "What happened," mahinahong tanong niya at naglakad papasok ng mansyon. Blake immediately followed his lead.  "I'm sorry, King."  King took a deep breath to stop himself from lashing his anger into Blake. He wants to hear their explanation first as much as possible before he will react.  "Is that it?" malamig na tanong niya at nilingon ang mga tauhan niya na lahat ay nakayuko at hindi kayang salubungin ang nagbabaga niyang tingin. "Just sorry?" sarkastiko niyang sabi.  The room remained silent. King took a deep breath and took out his gun. The room then filled with the loud sound of gun shot followed by the scream of Blake who was shot on the shoulder. "Find her. Now."  Everyone immediately rushed outside in search for Aela while some of his men rushed towards Blake. King knelt in front of Blake. He held his chin and forced him to face him. "You only had one job. One job and you failed." "I'm sorry, King. I deserve to die," his lips grew into a sarcastic smile.  "No. I'll keep you alive. For now," malamig na sabi niya at padabog na binitiwan ang panga nito. He immediately turned his back from him and went upstairs. Baka ay mapatay pa niya ang lahat ng tauhan niya kung tatagal pa siya doon.  "What a load of trash," he muttered under his breath.  AELA'S POV: Pinahid ko ang munting pawis na namuo sa noo ko at tinapos ang pagpupunas ng natirang mesa. "Kapagod," mahinang sabi ko sa sarili at umupo sa upuan. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang sakit ng paa at talampakan ko mula sa buong araw na kakatayo. Hindi ko na-expect na ganoon pala kadaming tao ang bumibili at kumakain dito sa karinderya ni Lola. Sabagay, ito lang yata ang nakitang kong kainan dito. Pinagkrus ko ang paa ko at minasahe ang likod ng paa ko na masakit. Pagkatapos ng ilang linggo bilang buhay Prinsesa ay ngayon lang ulit ako nagtrabaho kaya ganoon na lang siguro ang sakit ng katawan ko.  "Ayos ka lang ba, Hija?" napaayos ako ng upo ang ngumiti kay Lola nang makita ko siyang kakalabas ng kusina.  "Opo. Ayos lang po ako, Lola," hindi ko naman gusto na mag-alala siya.  "Bebang. Bebang ang pangalan ko," pakilala niya sa sarili. Natatawang napakamot ako ng kilay. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya dahil masyado kaming naging busy.  "Lola Bebang," pag-uulit ko sa pangalan niya. Tinignan ko ang paligid ang nakitang madilim na sa labas. Wala na ring tao na bumibili dahil ubos na ang mga ulam na paninda ni Lola.  "Dito ka na lang matulog, Trisha," pakiramdam ko ay parang tumaginting ang tenga ko sa narinig. Agad kong nilingon si Lola at niyakap siya.  "Totoo, Lola? Pwede dito muna ako ngayong gabi?" nanlalaki ang matang tanong ko. Kanina ko pa pinoproblema kung saan ako matutulog. Iniisip ko nga na doon na lang ako sa kakahuyan matulog kagaya kagabi. Wala namang masamang nangyari sa akin so I considered that as one of my option.  "Oo naman. Hanggang kailan mo gusto," parang guso kong maiyak sa sobrng tuwa. Hulog talaga ng langit si Lola.  'Naks. Mukhang bumabawi ka sa akin Lord ah?' masayang sabi ko sa isip at mahinang umusal ng maikling panalangin. Tinapos na namin ni Lola ayusin ang lahat ng gamit para makapagpahinga na kami.  "Nak, may mga damit ko dito na pwede mong gamitin pampalit. Meron din ako ditong extra na mga panty na hindi ko pa nagagamit," malapad ang ngiting sabi niya habang palapit sa akin. My heart melted while looking at her face lalong-lalo na nang mapagtanto ko kung ano ang tinawag niya sa akin. Naalala ko tuloy sa kaniya si Mama.  "Eto oh, bagay na bagay sa iyo ito. Mga dating damit ko ito noong kabataan ko," sabi niya at sinukat ang damit sa katawan ko. "Ayan oh, ang ganda sa iyo," nawiwiling sabi niya at sinukat ang ilan pang mga damit na hawak niya.  "Nako, salamat po talaga Lola Bebang. Kahit hindi mo ako kilala ay hindi ka nagdalawang-isip na kupkupin ako ngayon," madamdaming sabi ko. Malungkot siyang ngumiti sa akin.  "Nakakalungkot din kasing mag-isa. Hindi naman kasi gabi-gabi umuuwi ang Anak ko kaya kadalasan ay ako lang mag-isa dito sa bahay. Alam mo naman, hindi na ako bumabata. Tsaka, naalala ko ang sarili ko saiyo noon. Naranasan ko din ang walang bahay na masisilungan habang walang laman ang tiyan ko," my vision blurred when a small tears formed in my eyes. Mabilis akong kumurap para hindi tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko.  Naaawa talaga ako sa mga matandang naiiwang mag-isa. Sana dapat kahit gaano man ka-busy ang mga anak nila ay hindi nila iiwan na ganito ang mga magulang nila.  "Saan po pala Mister niyo, Lola?" hindi ko maiwasang matanong.  Lola smiled but her eyes spoke of the unspeakable sadness that she feels. "Iniwan ako ng Mister ko noong nalaman niya na buntis ako. Natakot siguro sa responsibilidad," biro niya at tumawa. Sumabay na lang din ako ng tawa sa kaniya dahil ayokong maging awkward kaming dalawa.  "Sorry to hear that," mababa ang boses na sabi ko. Napaigtad ako nang biglang hampasin ni Lola ang balikat ko. Mahina lang iyon pero nagulat ako.  "Ano ka ba, ayos lang. Oh siya, mauna ka nang maglinis ng katawan. Maghahanda lang ako ng kakainin natin," bago pa man ako makapagprotesta ay mabilis niyang nilagay sa kamay ko ang mga damit na hawak niya pagkatapos ay tumalikod na kumuha ng mga pinggan.   Napailing ako at hinayaan na lang siya. Pumasok na ako sa pinto na naka-connect sa mismong bahay nina Lola. Medyo kabisado ko na dahil nakapasok na ako dito kanina sa loob nang may kinuha akong kailangan niya. Pagkatapos kong pumili ng damit na susuotin ko ay agad na akong pumasok ng banyo at naligo dahil pakiramdam ko ay nangangamoy na ako. Kahapon pa ang huling ligo ko. Saktong kakalabas ko ng banyo nang tawagin ako ni Lola para kumain ng hapunan.  "Nak? Tapos ka na ba? Kakain na tayo," yaya niya sa akin.  "Opo, La. Tapos na po," magalang na sagot ko. Plano ko sanang labhan muna ang damit na suot ko pero mamaya ko na lang gagawin pagkatapos kumain.  Agad na kumulo ang tiyan ko nang maamoy ang mabangong pagkain na nakahanda sa mesa. "Wow, ang bango naman." "Nako, tira lang iyan sa mga ulam kanina. Hindi na ako nagluto dahil matagalan pa. Oh siya, maupo ka na." Mabilis ko siyang pinaghila ng upuan at inalalayan ng upo. "Salamat, Nak," nakangiting sabi niya.  Ang cute talaga ni Lola ngumiti. Yung mukha niya kasi ay tipo ng mukha na alam mong mabait talaga siya. Malamang maganda siguro siya noong kabataan niya.  Naupo na ako sa tabi niya at akmang sasandok ng pagkain nang mapansin ko ang nakalahad niyang kamay. "Magpasalamat muna tayo sa Diyos dahil sa grasya na meron tayo. Para na rin mabasbasan ang pagkain natin," lihim akong napangiwi nang makaramdam ako ng hiya.  'Where's your manners, Aela?'  I immediately did the sign of the cross at humawak sa kamay ni Lola.  "Panginoon namin na puno ng awa at pagmamahal. Maraming salamat sa pagkain sa mesa namin. Nawa'y patuloy niyo po kaming basbasan ng masaganang pagkain at mabuting kalusugan. Amen." I smiled and did the sign of the cross.  "Oh siya kain na," natatawang sabi ni Lola at nilapit sa pinggan ko ang lalagyan ng kanin. "Oh, eto pa," natawa ako nang lagyan niya ng maraming ulam ang pinggan ko.  "Lola naman eh, pinapataba mo yata ako," natatawang sabi ko.  "Kumain ka ng madami. Ang payat mo," kunyari ay masungit niyang sabi sabay tawa. Napuno ng tawa at halakhakan ang hapagkainan nang mag-usap kami ng kahit anong bagay na pumasok sa isip namin.  "Ako na po ang magliligpit, Lola," mabilis na presenta ko at nagsimulang ligpitin ang hapag kainan.  "Oh siya. Salamat, Nak. Maglilinis lang ako ng katawan," paalam niya sa akin at tumungo na sa kwarto niya. Pagkatapos kong maligpit at mahugasan ang kinainan namin ay sinigurado ko na nakakandado na ang lahat ng lock ng pinto.  'Mabuti na lang talaga hindi uuwi ang Anak ni Lola' piping sabi ko sa sarili. Kung uuwi siya ay hindi ako matutulog dito. Wala lang, pakiramdam ko hindi ako safe kung nandito siya sa paligid. Feeling ko ay may gagawin siya sa akin na masama base sa uri ng tingin niya sa akin.  "Nak? Halika dito. Matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas," narinig kong tawag sa akin ni Lola mula sa kwarto niya. Naabutan ko siyang inaayos ang kama.  "Pasensya ka na. Katabi mo akong matulog. Nakakahiya naman kung doon kita patutulugin sa kwarto ng Anak ko. Madumi doon at medyo may amoy. Alam mo naman, Lalaki," naiiling na sabi niya at nagsimulang mag-rant kung gaano daw kakalat ang kwarto ng Anak niya kahit malaki na.  "Goodnight, Lola," malambing na sabi ko habang nakatingin sa direksyon niya sa dilim. Hindi ko siya makita dahil nag-adjust pa ang mata ko sa dilim pero alam ko na napangiti siya.  "Goodnight, Nak," paos ang boses na sabi niya. Natawa ako nang ilang segundo lang ang lumipas ay humihilik na siya.  'Hay, mukhang napagod talaga siya'  I felt the urge to hug her but I stopped myself. I really can see my Mother in her figure. Pareho silang malambing, maalalahanin at inuuna ang kapakanan ng iba kesa sa sarili nila.  Malungkot akong napangiti nang may mapagtanto akong isang bagay na pareho din sila. 'Pareho silang hindi pinahalagahan ng lalaking minahal nila' Si Mama ang dahilan kung bakit takot ang umibig. Natatakot ako magaya niya. Natatakot ako na ibigay ang buong sarili ko sa taong iiwan lang din ako sa huli.  Mariin akong pumikit at nag-iba ng posisyon. 'Matulog ka na huy' sabi ko sa sarili. Tuluyan na akong pumikit para sana matulog pero bigla namang pumasok sa isip ko si King. Sinbukan kong alisin siya sa isip ko nang tuluyan na akong makatulog pero nakailang palit na ako ng posisyon ay hindi talaga ako makatulog. Asar na bumangon ako ng kama at ginulo ang buhok ko. Hanggang dito ba naman ay wala pa rin akong takas sa hudyo na iyon.  'Kumusta na kaya sila?' lalong-lalo na ang mga taong nagbantay sa akin kagabi. Sana naman huwag niyang patayin lahat ng tauhan niya dahil lang nakatakas ako. Hindi naman ibig sabihin noon ay pabaya sila, tuso lang talaga ako. Char!  Napatampal ako ng noo at nailing sa sarili ko. Pakiramdam ko ay para akong baliw na kausap ang sarili ko. Daha-dahan akong tumayo para hindi magising si Lola sa tabi ko na mahimbing ang tulog. Napagdesisyunan ko na lumabas na lang muna ng kwarto dahil hindi ako makatulog. Magpapalamig na lang siguro muna ako sa labas at manonood ng bituin.  Yakap ang kumot na bigay sa akin ni Lola ay walang ingay akong lumabas ng kwarto. Nasa bandang pinto ako palabas nang bigla akong manigas nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa.  "Aela," I heard the familiar voice of King spoke from behind me. Agad akong pumihit paharap at nakita siyang nakaupo sa hapagkainan.  Matigas akong napalunok nang makaramdam ako ng takot. He is looking at me with a blank expression on his face kaya hindi ko matukoy kung ano ang iniisip niya o kung ano ang plano niyang gawin sa akin. "King," paos ang boses na sabi ko at kinapa ang seradura ng pinto.  "I have been looking for you," malamig na sabi niya at tumayo. His tall figure towered over me in the darkness. Nataranta ako nang magsimula siyang maglakad palapit sa direksyon ko.  My adrenaline immediately shoot up. Pakiramdam ko ay parang maiihi ako sa pinaghalong takot at desperasyon na makalayo sa kaniya. 'Paano niya nalaman na nandito ako?' "P-Paano ka nakapasok dito?" utal na tanong ko at dinikit ang sarili ko sa pinto. Wala akong narinig na tunog kanina. Ni kaluskos wala.  He smiled coldly at me. "You're mine, Aela. I will find you wherever you are. No matter how far you will try to go, I will always find you," agad na nanayo ang balahibo ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na pinihit ang seradura ng pinto para tumakbo palabas. Malakas akong napasigaw at napatakip ng bibig nang mabungaran ko ang mga tauhan niyang nakabantay sa akin kagabi na duguan at walang buhay na nakahiga sa sahig.  'Jusko. Ako ba ang dahilan nito?' hindi ko napigilan ang sarili ko at napaiyak habang nakatingin sa mukha nilang wala nang suot na maskara. Sila ang mga lalaking nakita ko kaninang umaga na naghahanap sa akin dito sa Bario.  "I'm sorry. I'm sorry,"  "You can't escape from me," malakas akong napahugot ng hininga nang bumulong siya sa mismong tenga ko.  Nagising ako sa malakas na katok na nanggagaling sa labas. Habol ang hininga akong bumagon at tarantang nilingon ang paligid. 'Panaginip lang pala' mariin akong napapikit at nakahinga ng maluwag nang makita ang pamilyar na kwarto ni Lola.  Humugot ako ng malalim na hininga at inayos sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. "Trisha," narinig kong sambit ni Lola sa tabi ko. Doon ko lang napansin na gising pala siya.  I immediately felt worried nang makita ang expression niya na kinakabahan. "Lola, bakit po? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at hinawakan ang kamay niya.  "Si-" hindi naniya natuloy ang sasabihin niyang nang pareho kaming matigilan dahil sa sigaw sa labas ng mismong kwarto namin.  "BUKSAN NIYO ANG PINTO" hindi ako sigurado pero kaboses iyon ng Anak ni Lola. Paano siya nakapasok?  "Huwag mong buksan ang pinto," nahihintakutang sabi ni Lola habang mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Teka, bakit po? Tsaka, paano siya nakapasok. Sinigurado ko naman na naka-lock ang-" "Sira ang pinto sa labas, Anak," mangiyak-ngiyak na sabi niya. "Pasensya na," bago pa man ako maka-react ay mabilis na niya ako hinila patayo. "Magtago ka sa baba ng kama,"  "Ho? Baki-"  "Dalian mo!" mahinang anas niya sa akin at tinulak ako papasok sa ilalim ng kama. Kahit naguguluhan ako ay sinunod ko na lang ang sabi niya. Nag-aalalang pinukol ako ng tingin ni Lola bago tumungo sa pinto at binuksan iyon.  Tama nga ako, Anak nga niya ang kumakatok sa labas. Nakatayo siya sa hamba ng pinto habang hinid makatayo ng maayos. "Jasper," mahinang tawag sa kaniya ni Lola Bebang.  Agad siyang nagtaas ng tingin mula sa pagkakayuko at sinuyod ng tingin ang buong kwarto.  "Nasaan siya?" kinabahan ako nang biglang mag-iba ang expression ng mukha niya.  "Wala siya dito, Jasper. Kanina pa siya nakauwi sa kanila," pagsisinungaling ni Lola.  Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang itulak si Lola. "Sinungaling, narinig ko ang boses niya kanina," akmang lalabas ako sa ilalim ng kama nang sumenyas sa akin si Lola na huwag akong lalabas. Parang gusto kong maiyak habang nakatingin sa kaniya na nakangiwi habang sapo ang pang-upo niya.  "Ano ba, Jasper. Wala nga siya dito," sabi niya pero hindi siya pinansin ng Anak. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita kong binuksan niya ang malaking aparador.  "Trisha?!" sigaw niya sa pangalang pinakilala ko sa kaniya. Ginamit naman ni Lola ang pagkakataon na iyon para senyasan ako na tumakbo palabas. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at gumapang palabas ng kama. Sakto naman na humarap si Jasper.  "Nandiyan ka pala," malademonyo ang ngiting sabi niya.  "Takbo!" sigaw ni Lola at niyakap ang tuhod ng Anak. Impit akong napasigaw nang nakita ko siyang pinagsisipa ng mismong Anak niya. "Takbo," umiiyak na sabi niya. Pikit matang tumalikod ako at tumakbo palabas.  "TRISHA!" sigaw ni Jasper sa buong kabahayan.  "TULONG! TULUNGAN NIYO PO AKO!" umiiyak na tawag ko sa mga tao pero ni isa ay walang lumabas sa bahay nila para tulungan ako. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa at nagbakasakaling kumatok.  "PLEASE, MAAWA HO KAYO. TULUNGAN NIYO PO AKO," pagmamakaawa ko habang kumakatok sa isang bahay. Halos maihi ako sa takot nang makita ko si Jasper na kakalabas lang ng bahay at may hawak na dos por dos.  Wala akong nagawa kundi ang tumakbo ng mabilis palayo and didn't dare to look back. "TRISHA!" galit na sigaw ni Jasper sa likod ko habang hinahabol ako.  'Oh, Diyos ko. Tulungan mo po ako,"  panalangin ko sa isip habang patuloy pa rin na tumatakbo. Hindi ako tumigil hanggang sa nakarating ako sa kakahuyan kung saan ako dumaan palabas ng mansion. Takbo lang ako ng takbo kahit hindi na ako makahinga dahil sa pagod.  Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari. Basta na lang ako nakaramdam ng matinding sakit sa likod ng ulo ko dahilan para matumba ako at magpagulong-gulong sa damo. "Aray," mangiyak-ngiyak na sambit ko at sinapo ang nasaktang ulo ko. Kumabog ang dibdib ko nang maramdamang basa iyon ng mainit na likido.  "Wala kang kawala sa akin ngayon," matalim akong napahugot ng hininga at napaatras nang naabutan ako ni Jasper. Malademonyo siyang nakangiti sa akin habang sinusundan ako.  "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama sa iyo kaya please pabayaan mo na ako," sabi ko habang patuloy pa rin na gumagapang paatras kahit na nanlalabo na ang paningin ko.  "Simple lang naman ang kailangan ko," nakangising sabi niya at nagsimulang kalasin ang suot na belt. Natigilan ako nang tumama ang likod ko sa isang kahoy. Fear field my system when I realized na wala akong kawala, lalong-lalo na nang dumoble ang panlalabo ng paningin ko na sinasabayan ng hilo.  Nanghihinang napasandal ako sa kahoy at pinigilan ang sarili kong mapapikit. Sinubukan kong manlaban nang dumagan sa taas ko si Jasper. "P-Please. Please, -h-huwag," utal na sabi ko. Impit akong napasigaw nang marahas niyang ginapos ang kamay ko at nilagay sa taas ng ulo ko.  Wala akong nagawa kundi umiyak na lang nang magsimula siyang halikan ang leeg ko pababa sa dibdib ko. "Ang bango mo," gigil na sabi niya at sinapo ang isa kong dibdib. Sinubukan ko siyang sipain pero mabilis niyang inipit ang dalawang paa ko gamit ang tuhod niya.  "TULONG. PLEASE! TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw ko sa kawalan.  Narinig ko naman ang malademonyong tawa ni Jasper. "Walang makakarinig sayo dito kaya kung ako sa iyo ay mag-enjoy ka na lang." Hindi ko alam pero bigla na lang pumasok ang imahe ng lalaking hindi ko inaasahan na maiisip ko sa ganitong sitwasyon. "King," mahinang sambit ko sa pangalan niya.  "Ano?" dikit ang kilay na tanong ni Jasper. Pareho kaming napapitlag nang marinig ang malakas na putok. Nanlalaki ang matang nakatingin kami sa isa't isa. Natigilan ako nang walang buhay na natumba ang katawan ni Jasper sa tabi ko. Doon ko lang napansin ang likod ng ulo niya na butas at may umaagos na dugo.  "Aela," narinig kong sabi ng pamilyar na boses ni King bago tuluyang nanlabo ang paningin ko hanggang sa nawalan na ako ng ulirat.  - - ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD