"Are you okay?" natigilan ako mula sa malalim kong pag-iisip nang marinig kong magsalita si Blake na hindi ko napansin kakapasok lang pala. I immediately smiled. "Blake nandito ka pala, hindi kita napansin," pilit kong pinasigla ang boses ko pero alam ko na parang plastik pa rin niyon pakinggan. Blake knows me so much for him to fall for this kind. Blake walked towards me at naupo sa bakanteng pwesto sa tabi ko sa kama. "It's okay. You don't have to force yourself to be okay in front of me," magaan ang boses na sabi niya habang nakatingin sa akin. Huminga ako ng malalim at nagaba ng tingin sa sahig. "Are you worried about Alessandro?" umangat ang isang parte ng labi ko. Kilalang-kilala na talaga ako ni Blake. Sa halos isang linggo na bigla na lang nawala si Alessandro ay si Blake ang

