AELA'S POV: Mahina akong umungol at nagpalit ng posisyon. Kinapkap ko ang paligid ng kama para abutin ang unan nang may mahawakan akong matigas na bagay. Pikit matang hinimas ko iyon at pinisil ng kaunti para pakiramdaman kung ano iyon 'matigas na parang balat?' . Kunot-noong nagmulat ako ng isang mata at sinilip kung ano ang bagay na hinahawakan ko. Kulang na lang lumuwa ang mata ko nang makitang hawak ko ang tiyan ng isang tao. 'Jusko! Kaninong tiyan ito? Sino ang katabi ko? Nasaan ako?' nag-panic na sabi ko sa isip at mariing pumikit. Dahan-dahang tumaas ang tingin ko papunta sa mukha ng taong katabi ko. Parang napapasong agad kong binawi ang kamay ko nang makita ang natutulog na mukha ni King sa tabi ko. Parang pelikula namang naglaro sa isip ko ang lahat ng nangyari kagabi. Tulal

