"Oi, gising!" nagmulat ako ng mata para lang din mapapikit nang masilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa labas ng pinto. Narinig kong binuksan ng kung sino mang tao ang pumasok sa madilim na piitan ang maliit na pinto sa ilalim na sinundan ng tunog na pinggan na marahas na pinadausdos papasok ng selda ko. "Teka!" mabilis na pigil ko sa kanila nang marinig ang yabag nilang paalis ngunit hindi nila ako pinansin at tuluyan nang lumabas. Nanlulumong tinignan ko ang pagkain na dala nila. Pagkatapos ng mahigit na isang araw na walang maayos na pagkain silang dinadala sa akin ay ngayon lang nila ako dinalhan ng matinong pagkain. Kinuha ko ang maliit na hiwa ng tinapay at inamoy iyon. Muntik ko na iyong mahagis nang maduwal ako pagkatapos kong maamoy ko na sira na iyon. Nilingon ko ang lalaking

