Kanina pa ako palipat lipat ng pwesto sa kama ko pero hindi talaga ako makaramdam ng antok. Umabot na nga din ng higit isang libo ang tupa na binibilang ko sa isip ko para lang mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Blake pero ni isang segundo ay hindi talaga nawala sa isip ko ang sinabi niya. Asar na lumipat ako sa gilid ko habang pinapakiramdaman ang labas. Pagkatapos namingmag-usap ni Blake ay humingi ako ng oras na kung pwedeay gusto ko munang mapag-isa. What he said is just to much for me to digest. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kailangang umabot sa ganoong sitwasyon sialng dalawang magkapatid. Hindi ba nila mahal ang isa't-isa? Bakit kailangan pang mamatay? hindi ba pwedeng sabay na lang silang mamahala? 'Kung ganoon kalala ang pagkadisgusto nila sa isa't-isa maliban sa

