'Today is the day' iyon agad ang unang pumasok sa isip ko nang magising ako. Mabigat sa loob na bumangon ako at kinusot ang mata ko na medyo nangangasim pa dahil halos wala akong tulog kagabi. To be honest ay hindi nga ako sure kung nakatulog ngaba ako kagabi dala ng pag-aalala ko sa kung ano mang kahahantungan ng mangyayari ngayong araw. Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Base sa tunog niyon ay alam ko na agad na si Blake ang nasa labas. "Pasok," tipid na sabi ko at umayos ng upo. Hindi naman ako nagkamali nang makita ko si Blake na sumilip muna sa pagitan ng pinto bago tuluyang pumasok. "How are you feeling?" tanong niya at umupo sa tabi ko. Nilingon ko ang orasan sa tabi at nakita na 7 a.m pa lang pala ng umaga. Usually ay nagigising ako ng 10 a.m o hindi kaya

