Sa dilim ng gabi, mabilis na naglaho ang mga aninong nagmamasid sa bakuran ng academy. Tahimik na gumalaw ang tatlong dark vampires, halos dumudulas sa ere habang bumabalik sa kanilang sariling daigdig. Isang portal ang bumuka sa pagitan ng mga guho at bato, kulay itim na may pulang apoy sa gilid. Isa-isang pumasok ang mga nilalang, hanggang sa tuluyan na silang lamunin ng dilim. Sa loob, bumungad ang Dark Realm—isang lupain na puro abo, usok, at walang liwanag ng araw. Ang mga bundok ay tila mga bangkay na bato, ang kalangitan kulay abo na may pulang kidlat na kumikislap paminsan-minsan. At sa pinaka-gitna, nakatayo ang isang mala-kastilyong itim na parang nililok mula sa purong bangungot. Doon nakaupo sa trono ang hari ng lahat ng dilim—King Malphas. Mataas, maputla, at may mga matan

