“Late na naman ako!” halos pasigaw na bulong ni Laxriel Chavez habang halos lumipad ang paa sa pasilyo ng St. Rosendale Academy. Mahigpit ang hawak niya sa strap ng bag, hingal na hingal at ramdam na ramdam ang kaba dahil ayaw na ayaw niyang mapansin ng kanilang terror na guro sa Literature.
Pero bago pa siya makarating sa classroom, bigla siyang napatigil. Doon, sa may hallway na parang laging malinis at walang tao, nakatayo ang isang binata. Tuwid ang tindig, malamig ang presensya, at parang hindi galing sa mundong ginagalawan nila. Ang buhok nitong itim na itim, ang mga mata ay kulay abo na may kakaibang lalim. At ang aura nito—tila ba may sariling mundo.
Khyro Sev Dravenhart.
Kahit hindi pa niya kilala nang personal, pangalan pa lang nito ay parang naging alamat na sa buong campus. Siya raw ang pinakamatalino sa klase, pinakamahigpit na prefect, at pinaka-misteryosong estudyanteng halos walang makalapit.
At doon, unang bumilis ang t***k ng puso ni Laxriel.
“Grabe…” mahina niyang usal, halos hindi makapaniwala na sa dami ng tao, siya pa ang nakasabay dito. Pero imbes na ngumiti o magbigay ng kahit kaunting reaksyon, dumaan lang si Khyro sa gilid niya, parang wala siyang nakita. Walang imik. Walang kahit anong emosyon.
Natigilan siya, pero hindi iyon naging dahilan para umatras. Imbes, ngumiti siya nang palihim.
“Hush, ang cold mo naman…” mahinang bulong niya, habang nakatingin sa papalayong likod ng binata.
At doon nagsimula ang kanyang misyon—ang araw-araw na habulin ang prinsipe ng yelo.
---
Pagdating niya sa klase, agad siyang sinalubong ng kanyang bestfriend na si Serene Valcrest.
“Hoy, Chavez! Late ka na naman. Buti hindi ka nasita,” anito habang nakataas ang kilay at naka-smirk.
“Shhh!” pinigil ni Laxriel sabay ngiti. “Bes, nakita ko siya.”
Agad napahinto si Serene, tumikhim. “Huwag mong sabihing si Cold Prince ulit?”
Tumango si Laxriel, kumikislap ang mata. “Yes! As in, face-to-face! Ang gwapo niya, bes, swear. Kahit dinanwaan lang ako parang slow motion ang paligid.”
Napabuntong-hininga si Serene at umiling. “Girl, kung persistence lang may award, ikaw na. Pero sige, go. Support kita kahit mukhang impossible.”
Hindi alam ni Serene, sa likod ng mga ngiting iyon ni Laxriel, nagsisimula nang mabuo ang isang kwento ng pagmamahal na hindi niya akalaing magiging dahilan ng pinakamalaking pagbabago sa buhay niya.
At sa kabilang dulo ng classroom, isang pares ng malamig na mata ang lihim na nakatingin sa kanya. Si Khyro. Walang emosyon sa kanyang mukha, pero sa ilalim ng yelong presensya, may apoy na pilit niyang pinapatay.
“Bes, hindi ko na talaga kaya. Kailangan ko na siyang kausapin!” halos mapatalon si Laxriel Chavez habang hinila-hila si Serene Valcrest papunta sa quadrangle ng St. Rosendale Academy.
“Wait lang! Hoy, Lax, baka mapahiya ka na naman. Naalala mo ‘yung last time? Naka-ilang ‘excuse me, Prince Khyro’ ka tapos deadma siya?” ani Serene habang nakakunot ang noo pero halatang pinipigilan ang tawa.
Napahinto si Laxriel, tumitig sa kaibigan at ngumiti ng buong tapang.
“Hindi ako sumusuko, Serene. Hindi ba sabi ko, araw-araw ko siyang ipu-pursue? Hindi ako titigil hangga’t hindi niya inaamin na may puso rin siya.”
“Hay naku, Chavez… kung si Khyro ice prince, ikaw volcano princess. Sige na nga, tara. Pero promise, back-up lang ako, ha?”
At doon, sabay silang lumapit sa direksyong nakikita nila si Khyro Sev Dravenhart—nakaupo sa ilalim ng puno, nagbabasa ng librong halatang mas luma pa kaysa sa mismong library.
Tahimik ang paligid, pero para kay Laxriel, parang naririnig niya ang malakas na t***k ng puso niya. Huminga siya nang malalim, ngumiti, at tumayo sa harap ng binata.
“Hi, Khyro!”
Walang sagot. Hindi man lang siya nilingon. Patuloy lang itong nagbabasa, parang wala siyang naririnig.
Hindi nagpatinag si Laxriel. Lumapit pa siya ng isang hakbang.
“Alam mo ba? Cold ka na naman. Pero okay lang. Kasi kahit ganyan ka, araw-araw pa rin kitang hahabulin.”
Sa gilid, halos maluha si Serene kakapigil ng tawa.
“Grabe ka, Chavez. Ikaw na talaga. Kung ako si Khyro, kanina pa ako kinilig sa persistence mo,” bulong niya sa sarili.
Sa wakas, ibinaba ni Khyro ang libro. Tumingin siya kay Laxriel, at sa unang pagkakataon, nagsalita.
“Hindi mo ba talaga maintindihan?” malamig ang boses, mababa at diretso.
“Anong hindi ko maintindihan?” mabilis na tanong ni Laxriel, nakangiti pa rin.
Tumingin si Khyro nang diretso sa mga mata niya, at sa sandaling iyon, pakiramdam ni Laxriel ay tumigil ang oras.
“Na wala akong oras para sa kabaliwan mo.”
Parang tinusok ang puso niya sa sinabi nito, pero imbes na masaktan, mas lalo siyang ngumiti.
“Edi gagawa ako ng paraan para magkaroon ka ng oras.”
Tahimik lang si Khyro, binalik ang tingin sa libro, at parang wala nang pakialam. Pero sa ilalim ng kanyang malamig na anyo, kumislot ang damdaming matagal na niyang itinatago.
At si Laxriel? Mas lalo lang siyang nahulog.