SAMPAL ang sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng library room ni Dad. Agad akong umatras nang tumaas ang palad nito para muli akong padapuan ng isa pang sampal ngunit hindi niya iyon tinuloy. Kagagaling ko lang sa ospital dahil kay Keith at ito ang bubungad sa akin? Sana pala nanatili na lang muna ako doon. “Why you have to be this stubborn! Crissa Therese?!” Sigaw ni Dad sa akin na naglalabasan ang ugat sa leeg dahil sa sobrang galit. “D-dad.” Basag ang boses ko dahil sa gulat. “Didn’t I told you to stop seeing that Mortez!” He exclaimed. Nakakuyom pa ang kamao niya na parang gusto ng manuntok. Nanlaki ang mata ko sabi ni Dad sa akin. “No! Hindi kami nagkikita!” Binato niya sa akin ang isang envelope at kumalat ang mga litrato na agad rumehistro sa alaala ko. It was

