MGA BANAYAD na maliliit na halik ang nagpagising sa akin at isang mahinang hagikgik ng isang bata. My eyes opened slowly and Claiomh's eyes met mine. Napasinghap ako at napaupo nang mapagtantong kaharap ko ang anak kong halos ilang araw ko ng kinasasabikan. "Ma..ma.. Ma..ma.." Hindi ko mapigilan ang mapahikbi nang makita ang unti-unting pamumula ng mata ng anak ko hanggang sa tuluyan siyang umiyak. Agad ko siyang dinala sa bisig ko at marahang hinele. "Gising ka na pala, Hija?" Uma-angat ang tingin ko sa babaeng nagtanong. Ang tantiya ko ay nasa mid fifties na siya. Nakangiti siya sa akin at may dalang tray ng pagkain. "And you are?" I asked, raising my eyebrow. She laughed. "Ako si Lucinda," inilapag niya ang tray at umupo sa gilid ko. "Nanay ni Keith Ephraim." "N-nanay ni Keith?"

