HINDI napigilan ni Olivia ang pagbilis ng t***k ng puso niya ng marinig niya ang isa sa mga pangalan na binanggit ni Madam Miranda na gusto siyang makita ng malapitan pagkatapos ng performance niya sa The Gentleman's Club. Isa kasi sa mga customer na binanggit ni Madam Miranda na gusto siyang makita ay walang uba kundi si Mr. A. Nasa The Gentleman's Club ulit si Olivia ngayong gabi. Naka-schedule kasi siyang mag-perform doon ngayon. At gaya na lang kapag nagpi-perform siya ay present na naman si Mr. A doon. Mukhang suki na ng Club ang lalaki. "Okay lang ba sa 'yo na i-meet sila?" tanong ni Madam Miranda sa kanya mayamaya. "Lahat po ba sila imi-meet ko?" Hindi naman niya napigilan na itanong. Nasa sampu kasi ang sinabi ni Madam Miranda na gusto siyang makita. Kung siya ang tatanungin

