NAGHANAP muna ng makakainan si Olivia ng makaramdam siya ng gutom at pagod. Kanina pa kasi siya naglilibot kahahanap ng apartment na malilipatan nilang dalawa ng kapatid. Iyong pasok lang ba sa budget niya kahit na maliit basta malinis iyon. Pero ilang oras na siya sa kakalibot pero wala pa siyang nahahanap. Nahihiya na siya kay Abegail kung doon na naman ulit sila mag-i-stay ng kapatid ngayong gabi. Sa isang karenderya naman napili ni Olivia na kumain ng lunch, makakamura kasi siya kung doon siya kakain. Kailangan din kasi niyang magtipid para may maipang-downpayment siya kung may nahanap na siyang apartment. At nang makalapit si Olivia ay agad naman siyang pumili ng ulam na kakainin niya. Nang nakapili siya ay agad siyang naghanap ng mapu-pwestuhan. Hindi naman nagtagal ay binigay

