KARARATING lang ni Olivia sa apartment nang makatanggap siya ng tawag mula kay Madam Miranda. Saglit naman siyang tumitig sa cellphone na tumutunog bago niya sinagot ang tawag nito. "Hello?" bati niya dito. "Miss A," banggit naman nito sa pangalan niya. "Napatawag po kayo, Madam Miranda?" tanong naman ni Olivia dito kahit na may ideya na siya kung bakit ito tumatawag sa kanya. Alam naman niyang may kinalaman iyon sa pagta-trabaho niya sa The Gentleman's Club kaya ito tumawag. Hindi kasi tatawag sa kanya ang babae kung walang kinalaman iyon sa TGC. "May isang VIP client na gusto kang i-book para sa solo performance. Handa din siyang magbayad sa 'yo ng malaki," imporma sa kanya ni Madam Miranda. "Pasensiya ka na pero pumayag na ako bago pa kita tawagan. Alam ko naman kasi na papaya

