DAHIL natanggap na si Olivia sa kapitolyo bilang secretary ni Governor Alexis ay nag-resign na din siya sa kasalukuyan na trabaho. Hindi na din kailangan ni Olivia na maghintay ng isang buwan, hindi naman kasi kompanya ang pinagta-trabahuan niya, maliit lang iyon na grocery store sa bayan nila. Kaya kahit na umalis siya agad ay walang problema. At ngayon araw ay ang unang araw ni Olivia sa kapitolyo. Nang i-hired nga siya ni Gov. Alexis ay sinabi nito sa kanya na pwede na siyang magsimula kinabukasan. At sinabi nito na to follow na ang ibang requirements niya. Kailangan na kasi siyang i-train ng papalitan niya dahil baka daw mapaaga daw ang pag-alis nito. Nalaman ni Olivia na kaya pala magre-resign ang secretary ni Gov ay dahil magta-trabaho pala ito sa ibang bansa. Susunod pala ito sa

