Chapter 33

1767 Words

NAPAHINTO si Alexis mula sa pagbibihis ng tumunog ang ringtone ng cellphone niya. Napatingin naman siya kung saan nakapatong ang cellphone niya. Saglit siya doon na napatitig hanggang sa lumapit siya para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. At hindi niya napigilan ang mapakunot nang noo nang makita at mabasa niya kung sino ang tumatawag sa kanya. Ang ama na naman niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago niya sinagot ang tawag nito. Hindi naman niya alam kung ano ang kailangan ng ama sa kanya sa ganitong oras. "Hello?" bati ni Alexis sa ama. "Alexis, where are you?" Agad namang tanong ng ama sa kanya. "Sa bahay," sagot lang naman niya kahit na nasa barn siya. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin iyon sa ama niya dahil kahit pati ito ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD