Hindi ko pa rin lubos maisip ang nadiskubre ko. Magkapatid kami? Paano na ang mga anak ko? Paano ko ito maipapaliwanag sa kanila? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang lahat. Magdudusa ang mga anak ko. Kasalanan niya 'to lahat. Alam niya simula noon ang tungkol sa amin pero mas pinili niyang mangyari sa amin ang bagay na hindi naman dapat nangyari! Pagpasok ko sa loob ay agad kong nadatnan si Ninang na naglilinis. Sigurado akong hindi ko na maitatago ang mga mata kong hindi pa rin natutuyuan ng luha. "GG..." ani ni Ninang at agad akong sinalubong ng yakap. Napahagulhol ulit ako sa hindi ko maintindihang sakit. Parang wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko. Hindi bale nang walang ama ang mga anak ko, kaysa ang malamang kapatid ko ang ama nila! "Bakit, ano'ng nangyari?

