NANG ARAW NA iyon ay hindi sumama si Ryan sa mga lakad ni Bea. Nadismaya nang husto si Bea ngunit may mga kailangang asikasuhin ang binata. Hindi nito sinabi sa kanya kung ano-ano ang mga aasikasuhin nito at nais man niyang mang-usisa ay pinigilan niya ang sarili. Ayaw pa rin niyang isipin ni Ryan na nagiging clingy siya. Kaya naman sa buong araw ay hindi maganda ang mood ni Bea. Mas maikli ang kanyang pasensiya. Napakadali niyang mairita. Nagulat ang halos lahat ng staff niya dahil madalang na madalang siyang mainis at magkaroon ng bad mood. Hindi nakatulong na nagkasunod-sunod ang ilang mumunting problema na kailangan niyang personal na ayusin. Maghapon siyang nagpapalipat-lipat sa mga restaurant. Napakaraming oras ang nasayang niya sa traffic. Pagod na pagod na siya hindi pa man lumulu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


