KINABUKASAN ay nagising uli si Bea na nasa bahay na niya si Ryan. Ipinaghanda siya nito ng malamig na tubig at crackers pagkatapos niyang magsuka. Habang naliligo siya ay tinungo nito ang kusina. Paglabas niya ng silid ay handa na ang kanyang paboritong almusal. Tipikal na walang gana si Bea sa agahan ngunit nang umagang iyon ay inubos niya ang inihandang almusal. Nanatili iyon sa kanyang tiyan at hindi isinuka. Habang inaayos ni Bea ang mga gamit ng anak sa bag nito ay tinanong niya si Ryan tungkol sa transport nito. Hindi niya sigurado kung may international driver’s license ang binata. Hindi rin nito kabisado ang daan sa Pilipinas kaya ayaw niyang magmamaneho ito. “Blue arranged for a car and a driver,” ang kaswal na tugon ni Ryan. “Oh, okay. Great.” Sinikap ni Bea na pigilan ang pag

