2

2338 Words
Nakapagpatayo na si Bea ng ilang restaurants. Nakapag-invest na siya sa ilang franchises. Fast-food restaurant, food carts, and food delivery services. Minsan ay kinukuha siyang consultant ng ilang restaurants na magbubukas pa lamang o nais baguhin ang imahe at menu. She had offers to be a private chefs.  Malayo na siya sa Bea na maraming kinakatakutan at duda. Hindi na siya ang Bea na helpless at vulnerable. Hindi na siya ang Bea na idinepende ang kaligayahan sa isang lalaki. Wala na ang Bea na nababaliw sa pag-ibig. She was the successful Beatrice. The Beatrice everyone looked up to. Ang Bea na nakapag-secure na ng malaking fund para sa kanyang pinakamamahal na anak. She was Beatrice, the proud mother. “Fate interferes with life for the best,” ang sabi ni Ryan na nagpanumbalik kay Bea sa kasalukuyan. “I just have to plan for another future. Or not plan at all. Let fate and life happens. Go with the flow. Move on from heartbreak. Meet someone again.” Napangiti si Bea. “Yes. You’re absolutely right.” Sa kanyang palagay ay mas lumalim pa ang nadarama niyang paghanga sa lalaki dahil sa attitude na ipinapakita nito. Hindi niya inakala na posible pa ang bagay na iyon. Bago pa man makilala nang personal ni Bea si Ryan Boyd—bago pa man niya malaman na nakilala ni Sunday Blue ang binata sa Finland isang bakasyon ay labis na niya itong hinahangaan. Sinusubaybayan na niya ang serye nito sa cable TV. Napadaan siya sa isang channel isang gabi na nagre-relax siya pagkatapos ng mahabang oras ng pagtatrabaho. She stopped channel surfing because his gorgeous face was on the screen. She was mesmerized. Ryan Boyd was a very sophisticated actor. He was such a badass playing the sniper role. She couldn’t just take her eyes off the man. Hindi siya tipikal na fan ng genre ng TV series nito na tungkol sa spies at conspiracies ngunit mula nang gabing iyon ay sinubaybayan na niya ang palabas. Kompleto siya ng DVDs. Hindi niya gaanong sinasabi sa iba ngunit aktibo siya sa ilang online discussions. Si Ryan Boyd ang naging libangan niya. Si Ryan Boyd din ang unang lalaking pumukaw ng interes ni Bea simula nang ipanganak niya si Tilly. Naisip niya na harmless naman iyon dahil celebrity ang lalaki. Hindi lang siya ang babae sa mundo na labis humahanga kay Ryan Boyd. Kahit na labis ang paghanga at talagang napapabilis ng binata ang t***k ng puso niya sa pamamagitan lang ng paglabas sa screen, hindi niya naimahe sa isipan na magkukrus ang kanilang mga landas, na magkakakilala sila sa personal. Nang makita ni Bea ang larawan ni Ryan sa laptop ni Sunday pagkatapos nitong magbakasyon sa Finland, hindi niya iyon mapaniwalaan. Inisip niya na hindi maaaring si Ryan Boyd na artista ang kanyang nakikita. Medyo naiba kasi ang hitsura ng binata sa Finland. Mas malinis kaysa sa karaniwang nakikita sa telebisyon. Simple lang ang mga suot na damit. Mas ordinaryo. Naisip niya noon na kamukha lang. Medyo malayo rin kasi ang shot kaya hindi niya gaanong mabistahan ang mukha. Kahit na noong sabihin ni Sunday Blue na Ryan ang pangalan ng lalaking nakilala nito sa bakasyon, naisip niya na kapangalan lang ng artista. Ngunit nang mabatid na ang Ryan na artista nga ang nagkainteres sa kanyang kaibigan, pinaghalong dismaya at kaligayahan ang pumuno sa kanyang damdamin. Sinabi ni Bea noon na may dahilan kung bakit nakilala ni Sunday Blue si Ryan. Ginamit niya ang salitang fate. Noon marahil ay hindi niya iyon gaanong pinaniwalaan dahil sa kaibuturan niya, si Jem ang nakalaan para kay Sunday Blue. Ngunit nakita niya kung paano naging mabuti si Ryan kay Sunday Blue. Nakita niya kung gaano nito minahal ang kanyang kaibigan sa iilang pagkakataon na nagkakaharap at nagkakausap silang dalawa. Kung hinangaan ni Bea si Ryan bilang mahusay na aktor, mas hinangaan niya ang binata nang  makilala niya sa mas personal na lebel. He could still take her breathe away. Kaagad pa rin nitong napapabilis ang t***k ng kanyang puso. Mas malala sa personal. May pagkakataon na natatagpuan niya ang sarili na naiinggit kay Sunday Blue. Minsan ay bahagya pa siyang nagseselos. Nang magparaya si Ryan ay naligayahan ang kanyang puso at hindi lang para kina Sunday Blue at Jem. Naligayahan iyon dahil malaya na si Ryan. Naramdaman niya ang pagsibol ng pag-asa. Ang harmless na paghanga ay nakakabagabag na. Sandaling tinigilan ni Bea ang panonood ng serye ni Ryan. Sinubukan niyang alisin ang lalaki sa kanyang sistema. Dapat ay madaling gawin. May bahay ang binata sa Finland at New York ngunit mas naglalaan ito ng panahon sa Los Angeles at Vancouver. Abala ito sa trabaho at halos sa trailer sa studio na nakatira. Abala rin siya sa trabaho. Nasa Pilipinas ang karamihan sa negosyo ni Bea at hanggang sa maaari ay nais niya personal na nakikita ang operasyon. Hindi man sa araw-araw niya nalilbot ang mga restaurant, sinisiguro pa rin niya na nasa maayos ang lahat. Marami siyang partners sa mga investments kaya hindi siya maaaring magpabaya. Idagdag pa ang pagiging nanay niya. Hanggang sa maaari rin ay ayaw niyang makompromiso ang pagiging magulang niya sa pagiging career woman. Hindi man niya nasisiguro na makasalo ang anak sa hapunan, sinisiguro naman niya na siya ang gumagawa ng almusal nito. Hanggang sa maaari ay ayaw niyang makaligtaan ang anumang mahahalagang pangyayari sa buhay ng anak. Sinisiguro niya na present siya sa lahat ng mahahalagang okasyon kahit na gaano siya kaabala at kapagod. Ngunit sa kabila ng kaabalahan at napakaraming obligasyon ay madalas pa ring natatagpuan ni Bea ang sarili na paulit-ulit na pinapanood ang ilang eksena ni Ryan sa TV series nito. Hindi siya nagsasawa. Bukod kay Tilly, si Ryan ang nakakapawi sa pagal na nararamdaman ng kanyang katawan. Hindi mawala ang kakaibang epekto nito sa kanya. She just couldn’t forget him, couldn’t get him out of her system. Katulad ngayon, pilit niyang inaabala ang sarili sa mga bagay sa reception. Sinisiguro niyang sagana sa pagkain at inumin. Sinisiguro rin niya na maayos ang lahat sa program at komportable ang mga bisita. Dalawang restaurant niya ang nagke-cater ng reception. Pati ang seguridad ng venue ay pinakikialaman niya kahit na wala namang dapat ipag-alala sa bahaging iyon. Ngunit imbes na mawala sa isipan niya si Ryan ay madalas hinahanap ng kanyang paningin ang binata. Minsan ay halos wala sa loob. Minsan ay nagsasalubong ang kanilang mga mata at nginingitian siya nito. Parang may nabubuhay sa kanyang kaibuturan sa tuwing nangyayari ang bagay na iyon.  “You should really relax. You look so tensed,” ang puna ni Ryan. “`Wanna dance?” Mabilis na umiling si Bea. “No. I’m good.” Hindi niya masabi na si Ryan ang dahilan ng nararamdaman niyang tensiyon at kaba. Kung ganoon na siya sa distansiya, hindi niya sigurado kung ano ang mangyayari kung magsasayaw sila, kung mas liliit ang distansiya sa kanilang pagitan. “Have you eaten?” “I’m good. I think I need to—“ Hinawakan ni Ryan ang kamay ni Bea bago pa man siya makalayo. Napalunok si Bea. Parang sasabog ang kanyang dibdib. Mas naging aware siya sa paglalapit nilang dalawa, sa paglapat ng balat nito sa kanyang balat. Nahirapan siyang huminga. Parang unti-unting tumataas ang temperatura ng kanyang katawan. Sumidhi ang kagustuhan niyang mas ilapat pa ang katawan sa binata. Banayad na hinila ni Bea ang kamay mula sa pagkakahawak ni Ryan ngunit hindi siya pinakawalan ng binata. Hindi rin naman humigpit ang banayad na pagkakahawak nito. Siguro ay siya ang nagkulang sa puwersa. Dahil siguro hindi naman niya talaga nais mawala ang koneksiyon nilang dalawa. Nagsalubong ang kanilang mga mata. Nagsimulang gumalaw-galaw ang hinalalaki ni Ryan sa kanyang balat, banayad na humahaplos. Napaawang ang mga labi ni Bea sa gulat nang mabasa ang init sa mga mata ni Ryan. Minsan ay nakikita niya iyon sa telebisyon. Hindi na mabilang ang ginawa nitong sensual scenes sa series. Ngunit hindi ganoon kasidhi sa nakikita niya sa kasalukuyan. Waring mas naglalagablab ang apoy sa paglipas ng bawat sandali. Sunod-sunod ang naging paglunok ni Bea. Kung ano-anong sensual na imahe na ang namumuo sa kanyang isipan. Hindi na iyon bago kung tutuusin. Sa mga nakalipas na taon ay tanging si Ryan ang laman ng kanyang mga pantasya. Madalas niyang nahihiling na tumingin ito sa kanya nang ganoon. Puno ng pag-asam at init. Sa paraan na waring nais nitong ikulong siya sa mga bisig at hindi na pakawalan. Nais niyang hilahin siya nito sa kung saang walang makakakita at hagkan hanggang sa maubusan siya ng hininga. Kahit na maraming beses nang nagpantasya, hindi pa rin inakala ni Bea na magkakaroon ng pagkakataon sa realidad na makita ang ganoong ekspresyon mula kay Ryan. Naitanong tuloy niya sa sarili kung talaga bang nangyayari ang lahat ng ito sa kasalukuyan? Namamalikmata lang ba siya o nananaginip lang? “I got a room in this hotel.” Mas umawang ang bibig ni Bea sa narinig mula kay Ryan. Nanlaki rin ang kanyang mga mata. Hindi na nakangiti sa pagkakataon na iyon ang binata. Bukod sa init, puno rin ng kaseryosohan ang mga mata nitong ayaw lubayan ang kanyang mga mata. Halos nasisiguro ni Bea na hindi nangyayari ang bagay na iyon sa kasalukuyan. Pinaglalaruan lamang siya ng kanyang pandinig at paningin. Masyado lang aktibo ang kanyang imahinasyon. Ngunit nararamdaman niya ang kamay ni Ryan sa kanyang kamay. “W-what?” ang tanging naiusal ni Bea. Waring naghihintay ng tugon si Ryan at may pakiramdam siyang hindi siya nito pakakawalan hanggang sa hindi naririnig ang nais na sagot mula sa kanya. Humugot ng malalim na hininga si Bea. This guy had been in her dreams and fantasies but she was not stupid enough to just jump on to the opportunity he had given her. Nangako na siya minsan sa kanyang sarili na hindi na hahayaan na mahibang siya sa isang lalaki. Lalo na sa isang lalaking katulad ni Ryan Boyd. Hindi niya isinaalang-alang ang international celebrity status nito. Mas isinasaalang-alang niya ang kaalaman na ex ito ng kanyang matalik na kaibigan. Hindi niya nakakalimutan ang katotohanan na minahal ni Ryan si Sunday at patuloy marahil na minamahal. “I have a room in this hotel,” walang anuman pag-uulit ni Ryan. Mas seryoso ang mga matang nakatunghay sa kanya. Ilang sandali na inisip muna ni Bea ang mga susunod na sasabihin. “And you’re telling me because...?” Naisip niya na baka naman mali ang kanyang naiisip. Baka masyado siyang nagpe-presume. Baka walang ibang ibig sabihin si Ryan sa pagsasabi niyon. Kung tutuusin ay alam niya na may silid si Ryan sa hotel na siyang venue rin ng reception. Hindi lang basta silid, isang presidential suite iyon. Sadyang ipina-reserve ni Sunday Blue para sa binata. Naging mapaglaro ang paraan ng pagngiti ni Ryan. Nanginang ang mga mata nito sa kaaliwan. “You know why I’m telling you this.” Kahit na paano kumbinsihin ni Bea ang sarili, hindi siya nagkakamali sa kasalukuyang nakikita sa mga mata ni Ryan. Hindi siya nagkakamali sa nais nitong ipahiwatig sa kanya. Nakita rin niya iyon sa ibang mga lalaki. Lihim niyang inasam na makita ang init ng atraksiyon sa mga mata ni Ryan ngunit nahihirapan pa rin siyang maniwala ngayong nagkakatotoo na iyon. “Y-you c-can’t be s-serious,” ang sabi ni Bea, mas para sa sarili kaysa kay Ryan. “Why not?” ang kaswal nitong tugon sa kanya. “W-why not? Why not!” Mas pinanlakihan niya ng mga mata ang binata. “Do you know what you’re saying? Do you know what I’m thinking right now?” “My guess is pretty much the same of what I’m thinking right now.” Muling napalunok-lunok si Bea. “W-why?” Bakit bigla-bigla naman? “Will you just stop asking question?” Pinakawalan ni Ryan ang kamay niya. Ilang sandali na naisip ni Bea na nagbago na ang isipan nito, na tuluyan na itong nainis o nawalan ng gana sa kanya. “You know my room number.” Tatalikod na sana si Ryan ngunit mabilis na inagapan ni Bea ang binata. Halos wala sa loob na siya naman ang humawak sa braso nito. Sinubukang pigilan ni Ryan ang pagguhit ng nanunudyo at nasisiyahang ngiti sa mga labi ngunit bigo ang binata. His eyes danced in mirth and success. “I... c-can’t...” ang usal ni Bea. Malinaw sa kanya ang mangyayari sa kanila kapag nagtungo siya sa silid nito ngayong gabi. All her fantasies would come true. At labag man sa kanyang kalooban, kailangan niyang usalin ang mga kataga ng pagtanggi. Sinalubong ni Ryan ang mga mata ni Bea. “You can, beautiful.” “I’m in charge of... everything.” Nais niyang walang alalahanin sina Sunday Blue at Jem sa pinakaespesyal na araw ng mga ito kaya inako niya ang lahat ng responsibilidad sa mga pagkain at inumin.  “You have so many people to make sure there will always be food and drinks for everyone.” “Y-yes, but...” “Everyone is busy with the newlyweds, there’ll be no one who’ll notice your absence.” Napalunok na naman si Bea. “T-Tilly...” “The Asuncions took her home and she’d stay the night with them. Come on, Bea. Give in. You can do it. For once, let your control slip and give in.” Binitiwan ni Bea si Ryan. Hindi pa rin niya sigurado kung ano ang nais niyang gawin. Hindi niya sigurado kung ano ang tama at mali. May malaking parte ng kanyang pagkatao ang nais bumigay at pumayag. Nais niyang kalimutan kung ano ang tama at kung ano mali. Ngunit hindi niya mapigilan ang pag-iisip ng mga bagay na maaring mangyari. Mga hindi magagandang bagay. Labis siyang nag-iisip. Labis niyang tinitimbang ang lahat. She was never the carefree person she once was after being a mother. Kailangan niya laging mag-isip. Kailangan niyang mag-ingat palagi. She knew Ryan was not someone she needed right now. Banayad na hinaplos ni Ryan ang mukha ni Bea. “You know where I’ll be.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD