"Gusto mo bang ipaalala ko pa sa 'yo?" maagap na segunda ni Kidd nang makita ang pagkunot ng noo ko. Saka naman nanlaki ang dalawang mata ko, kaagad kong nakuha ang sinabi niya— na hahalikan ako nito para maalala ko iyong nangyari sa kotse noon sa basement. Pati iyong sinabi nitong gusto niya akong i-date. Hindi ko naman alam na totoo pala iyon, malay ko bang nantitrip lang siya noong oras na iyon dahil masyado kaming nadadala ng emosyon. Wala sa sariling napalunok ako upang tanggalin ang nagbara sa lalamunan ko. Nakita ko pa ang mabilis na paglapit sa akin ni Kidd, itinukod nito ang isa niyang kamay sa bakanteng upuan na naroon sa gitna namin, kapagkuwan ay dumukwang sa pwesto ko. Sa gulat ay hindi sinasadyang matampal ko ang braso nito, nagbaba siya ng tingin doon at saka pa bahagyan

