Ngumiti si Kidd, tila ba sa pagngiti niyang iyon ay pinapapili niya ako— kung sasama ba ako kina Olivia, o mananatili rito na kasama siya. Lihim akong napalunok, kasabay nang pagbabara sa lalamunan ko. Mas inilapit pa ni Kidd ang mukha niya sa akin, masuyo nitong hinalikan ang pisngi ko. Ang mainit niyang hininga ay tumatama sa balat ko at halos manuot iyon sa kaibuturan ko. Wala sa sariling napakapit ako sa dibdib nito, para sana bahagya siyang itulak dahil literal nang hindi ako humihinga. Idamay pa na ramdam ko pa rin ang presensya ng dalawa sa labas ng cubicle. Siya ring paghawak ni Kidd sa kamay kong nasa dibdib niya, saka nito iyon inilingkis sa batok niya. Kinuha rin ni Kidd ang isa pa, bali dalawa na ngayon ang nakapulupot sa kaniya. Umangat ang labi nito sa ilong ko, sa nang-a

