Hindi naman siya ganoon nabasa, kaya walang problema. Isa pa, dagdag tulong ko na rin dahil sa pagpayag niya. Hindi ko alam ngunit parang naging obligado ko pa si Kidd. Right. Ito iyong consequence nang hindi ko pagsasabi sa kaniya ng nararamdaman ko, kusa ko na lang nagagawa iyong mga bagay para sa kapakanan nito. "Okay lang ba sa 'yo ito, Doc? Baka may nakakita sa atin," pahayag ni Kidd na siya ngayong ikinakabit na ang kaniyang seatbelt. Huminga ako nang malalim. Hindi ko naisip iyon, but then again, bahala na. "Hindi naman siguro kaagad nila maiisip na babymaker kita, hindi ba? Pwede kong sabihin na isinabay kita, since umuulan naman." Kibit ang balikat ko, bago pinausad ang kotse. "Saan kita pwedeng ibaba?" "Paano pala kita makikilala, kung ayaw mong sabihin sa akin ang dahilan m

