Literal na tinakasan ako ng kaluluwa at halos lumuwa ang dalawang mata ko. Hinawakan ni Kidd ang doorknob mula sa labas at gamit ang kaniyang labi ay itinulak ako nito papasok ng opisina. Sa kadahilanang nanghihina ako ay para lang akong hinangin, madali lang siyang nakapasok at ito na rin mismo ang nag-lock ng pintuan. Mayamaya pa nang pakawalan niya ako. Gulat na napatigalgal ako sa harapan ni Kidd, hindi ko mawari ngunit pakiramdam ko ay parang gusto ko na lang magpakain sa lupa. Hiyang-hiya ako sa presensya ni Kidd. Hindi ko rin kinakaya itong pinaggagawa niya. Kulang na kulang iyong binuo kong lakas ng loob sa nagdaang taon at ngayon ay natupok lang nang dahil sa kaniya. Huminga ako nang malalim, bago napipilan na pinagmasdan si Kidd sa harapan ko. Nakatayo ito at matikas ang kani

