ARABELLA: NANGINGITI akong pinapanood si Dexter na kasama si auntie na nagkatay sa manok na kinuha nito. Ang taba ng inahing manok na pinili niya. Ngayon pa lang, natatakam na ako sa iluluto nila. Mataba kasi at native ang manok kaya mas masarap kaysa sa chicken na nabibili. Matapos malinisan at ma-chopped ni Dexter ang manok, si auntie na ang nagluto no'n. Naghugas naman ng mga kamay si Dexter at may bahid pa ng dugo ang kamay niya sa pagkatay, bago lumapit sa akin. “Nagugutom ka na ba, panget?” tanong nito. Napanguso ako na umiling. “Hindi pa naman. Uhm, may gagawin ka pa?” balik tanong ko. “Nah, tapos na, panget. Si auntie na ang magluluto ng ulam natin at masarap siya magluto, specialty niya iyong pinikpikan,” sagot nito na inakbayan ako saka nilingon si auntie na naggigisa ng m

