ARABELLA:
MAG-ISA akong nagkulong sa bahay. Bumaba naman si mama ng bayan kasi may kailangan silang asikasuhin ni gov para sa kanilang nalalapit na pagpapakasal. Inihatid siya ni Dexter dahil ayaw ni gov na mag-commute si mama. Tricycle ang masasakyan dito pababa ng bayan. Iyon kasi ang byahe dito sa amin. Pero kung may sarili ka namang sasakyan ay mas maganda. Sementado ang daan sa amin kaya kahit nasa liblib pa ang bahay mo, maaabot ng tricycle. Dahil iyon sa maayos na pamumuno ng mga nasa gobyerno dito sa amin at isa na nga doon– si Governor Damian Wayne.
“Sino kaya ang papa ko? Buhay pa kaya siya? Siguro naman. . . alam ng totoong ina ko kung sino ang papa ko,” usal ko na napapaisip sa buhay ko.
Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit hindi masagot-sagot ni mama ang katanungan ko. Kung sino ang ama ko at nasaan na ito ngayon. Kahit nga pangalan ay hindi niya masabi. Palagi siyang umiiwas kaya hindi na lamang ako nangungulit tungkol sa ama ko.
May birth certificate ako pero walang nakalagay na ama ko doon. Kaya ang iniisip ng lahat, anak ako sa labas kaya hindi masabi ni mama kung sino ang ama ko. Mabuti na lang at valid iyon dito sa bansa natin. Na kahit walang nakalagay na ama sa info ko, nakapag register pa rin si mama ng birth certificate ko. Siya ang nakalagay na ina sa birth certificate ko kaya legally, siya ang mama ko.
“What are you thinking, panget?”
Napabalikwas ako mula sa pagkakahilata dito sa sofa namin na marinig si Dexter! Napakurap-kurap pa ako na napatitig dito. Sa dami ng naiisip ko, hindi ko siya napansin na dumating. Akala ko kasi ay hindi na siya babalik. Umuwi na rin si Tina at Jessa kanina matapos naming mag-agahan kaya ako lang ang naiwan dito sa bahay.
“Bakit nandito ka?” balik tanong ko.
Naghubad naman siya ng kanyang leather jacket na ikinaiwas ko ng tingin at naka-black sando lang siya. Ang hot niya talaga.
“What do you mean, why am I here? Bakit? Dahil ba wala si mama dito. . . hindi na ako pwede dito?” nakakunot ang noo na tanong nito at saka naupo kaharap ko.
“Hindi naman sa gano'n. Nagulat lang ako na bumalik ka e nasa bayan naman ang bahay niyo,” sagot ko na muling humiga at napapangusong nakamata sa kisame.
Ramdam kong nakatitig siya sa akin pero hindi ko na lamang nilingon pa. Mahirap na. Ang rupok ko pa naman pagdating sa kanya.
“Pinabalik ako ni mama. Baka daw. . . bumalik dito ‘yong Vina,” anito.
Napalunok ako na natigilan at bumilis ang t***k ng puso! Naupo ako na may naisip!
“Nasaan kaya siya ngayon?” tanong ko na lalong ikinasalubong ng kanyang mga kilay.
“Si Vina?”
“Oo.”
“Bakit? What do you need from her? Sasama ka sa kanya? Iiwan mo si mama?” magkakasunod nitong tanong na sinamaan ko ng tingin.
“Iiwan agad? Hoy, mahal na mahal ko si mama at hindi ko iyon ipagpapalit ano? May gusto lang akong itanong sa kanya na hindi nasasagot ni mama. Hindi alam ni mama ang sagot kaya sigurado akong. . . alam ng biological mother ko ang sagot sa katanungan ko,” sagot ko.
Napanguso naman ito na pinakibot-kibot pa habang nakatitig sa akin. Tila binabasa niya ang tumatakbo sa isipan ko.
“Tungkol ba. . . sa ama mo?” anito.
Namamangha naman akong napatitig dito na namimilog ang mga mata.
“Paano mo nalaman?” namamangha kong tanong.
Napangisi naman ito. “Tss. I can easily read it in your eyes, panget. I'm genius, remember?” anito.
Napanguso ako na napaismid. “Oo na. Ikaw na ang mapala na biniyayaan ng good looks at matalinong utak.” Ismid ko.
“What if she will use that to get you, hmm?” anito na ikinalunok kong napatitig dito.
“Ano'ng ibig mong sabihin?”
Napailing siya na napahinga ng malalim. “Gusto ka niyang bawiin, panget. Dalawa lang iyan. Gusto niyang bumawi at magpakaina sa'yo, o gusto ka niyang. . . gamitin sa pansariling interes, who knows, mayaman ang papa mo kaya gagamitin ka niya para makakuha ng pera,” wika nitong ikinatigil ko na parang piniga ang puso sa nasabi nito.
“A-ano sa tingin mo?” nauutal kong tanong dito.
Napakibit balikat ito. Napahinga ako ng malalim na naisandal ang katawan. Napapaisip sa mga magulang ko. Kung alam ba ng ama ko na naisilang ako? Kung buhay pa ba siya hanggang ngayon? Nasaan siya? Ano ang pangalan niya? Matatanggap kaya niya ako, kung sakali at makita niya ako?
“Don't think too much, panget. Masasagot din ang mga katanungan mo. . . sa tamang panahon,” anito na ikinakurap-kurap ko at hindi namalayang lumipat na pala siya dito sa kinauupuan ko!
Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso na mapatitig sa kanya. Maamo ang mga mata niya ngayon. Na tila sinasabi ng mga mata niyang. . . kakampi ko siya at hindi ako nag-iisa.
“Mabuti ka pa, kumpleto na ang pamilya mo. Makakasama mo na ang mama at papa mo. Habang ako? Heto at parang tutang naliligaw at hindi alam kung kanino nagmula.” Wika ko.
Lumamlam naman ang kanyang mga mata na nakatitig sa akin.
“Hindi ko aagawin si mama sa'yo, panget. Sana maintindihan mo rin ako. Katulad mo na nangungulila ka sa ama at gusto mo din siyang mas makilala at makasama, gano'n din ang nararamdaman ko, panget. Gusto kong mas makilala at makasama ang ina ko. Kaya hwag kang magalit sa akin na gusto ko ring magpaalaga kay mama. We don't need to fight, naiintindihan mo ba?” maalumanay niyang wika.
Napalunok ako na maalala ang pagtatalo namin kahapon at ang mga nasabi ko. Siguro, dinibdib niya ang nasabi ko sa kanyang– kinamumuhian ko na siya. Napababa ako ng tingin at nakadama ng guilt sa mga nasabi ko sa kanya. Nagpadala ako sa galit at sa kanya ko iyon naibuhos. Hindi ko namalayan ang mga naisatinig ko at hindi naisip na masasaktan ko siya. Ayoko naman talaga na makasakit ako sa damdamin ng iba. Nakatanim sa isipan ko ang pangaral ni mama sa akin mula pagkabata ko, na kung ano ang ayaw kong gawin sa akin ng kapwa ko, hwag kong gagawin sa iba.
“Pasensiya ka na kahapon. Galit lang ako. Hindi ko sinasadya ang mga naisatinig ko. Naiintindihan ko naman e. Naiintindihan kong. . . kailangan mo rin si mama.” Mababang saad ko na nangilid ang luha.
Hinaplos niya ako sa ulo na ikinaangat ko ng mukha. Tipid siyang ngumiti na malamlam ang mga matang nakatitig sa akin.
“I will accept your apology. . . but in one condition,” saad nitong ikinakurap-kurap ko.
“Kailangan may condition?”
“Aha.”
“Ano namang kundisyon iyan, hmm?” tanong kong ikinangisi nito na napapisil sa baba ko.
“Kiss me.”
“A-ano?”
Parang lumukso ang puso at kaluluwa ko paalis sa katawan ko sa kanyang tinuran! Namimilog ang mga mata at butas ng ilong ko na hindi makapaniwala sa kanyang kundisyon!
Natawa naman ito. Humawak ang kamay niya sa aking batok na hinila ako at walang pasabing inangkin ang mga labi kong nakaawang!
Napakapit ako sa kanyang damit sa bandang dibdib! Gusto ko siyang pigilan pero. . . unti-unting natupok ang katiting na katinuan sa utak ko!
Namigat ang talukap ng mga mata ko na dahan-dahang napapikit. Para na naman niya akong hinihele at dinadala sa kaulapan habang masuyong inaangkin ang aking mga labi! Unti-unti, napahaplos ang kamay ko na kusang yumapos sa kanyang batok at saka tinugon ang masuyo niyang halik!
Bawat paghagod ng mga labi niya, sinasabayan ko, tinutugon ko. Naglilikha na rin ng tunog ang aming halikan. Hanggang sa pinakawalan na niya ang mga labi ko na ramdam kong nangangapal na sa tagal naming naghalikan!
Kapwa kami naghahabol hininga at mapupungay ang mga matang nagkatitigan. Para akong yelong nalulusaw sa mga titig niya. Kinikiliti at kinikilig ako na mapatitig sa mga mata niyang mapupungay at mababakas ang halo-halong emosyon.
“A-apology accepted na ba?” nauutal kong tanong.
Napangiti naman siya na marahang pinisil pa ang pisngi ko.
“Pwede na.” Tugon nitong nakurot ko na natawa.
NANOOD kami ng movie ni Dexter habang nakakulong dito sa bahay. Tinatamad din naman akong lumabas. Naglaba na si mama noong nakaraan kaya walang masyadong gagawin dito sa bahay.
Hindi ko tuloy mapigilang kiligin dahil nakahiga kaming dalawa dito sa sofa. Nakayakap ako sa kanya at nakaunan ako sa braso niya. Dikit na dikit kami sa isa't-isa at masikip ang sofa para sa aming dalawa.
"Mas marunong pa ako sa kanya," usal nito.
Napasulyap ako sa TV at gumapang ang init sa mukha dahil. . . kissing scene ang palabas! Nag-iwas ako ng tingin sa TV at napasulyap ditong kagat ang ibabang labi habang nakatutok sa palabas! Napalunok ako na lalong nagkarambola ang pagtibok ng puso!
"Hindi ba?" anito na bumaling sa akin.
"Ha? Ang alin?" nagtataka kong tanong.
Ngumisi siya na humawak sa batok ko. Walang pasabing inangkin muli ang mga labi kong ikinanigas ko na namimilog ang mga mata!