ARABELLA:
KABADO ako habang nagmemeryenda kami ni Dexter dito sa coffeeshop na kaharap ng school. Mahal kasi dito kaya kabado ako na alam kong hindi kasya ang one hundred pesos na baon ko. Pambili ko pa ito ng ulam ko para mamayang tanghali at meryenda sa hapon pero heto at kahit isang slice ng cake namin ay hindi ito kasya.
“What's the matter? Ayaw mo ba sa cheesecake na kinuha ko?” tanong nito na mapansing hindi ko pa iyon ginagalaw.
Nahihiya akong ngumiti dito na nakatitig sa akin at bahagyang salubong ang mga kilay.
“Uhm, hindi naman sa gano'n. Uhm, ang sabi mo kasi kanina. . . libre ko ito. T-tinignan ko ang menu at aabot ng s-six hundred ang mga order natin. Kape at cake lang pero gano'n na ang presyo,” nakangiwi at nauutal kong sagot dito.
“So?” tanong nito na nagsubo ng cheesecake.
Napalunok ako na mapasulyap sa mga labi niya. “K-kasi. . . h-hindi kasya ang pera ko,” nahihiya kong pag-amin.
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at napaiwas ng tingin dito. Napanguso naman ito.
“Iyon lang ba ang inaalala mo?” tanong niya na ikinatango ko. “No worries, panget. I will pay our bill. Nakakahiya naman kung. . . kung ikaw talaga ang pagbabayarin ko.” Sagot nitong ikinamilog ng mga mata ko!
“T-totoo? Ikaw ang magbabayad sa mga ito?” bulalas ko na ikinangisi at tango nito.
“Yeah. Alam ko namang. . . hindi kaya ng bulsa mo na pameryendahin ako,” aniya na ikinangiwi ko.
“S-salamat.”
Hindi na ito sumagot na napasimsim sa kape niya. Huminga ako ng malalim. Pakiramdam ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib na siya ang magbabayad sa mga order namin! Mabuti na lang at naisip din niya na hindi kaya ng budget ko ang ilibre siya sa gan'tong coffeeshop.
Habang nagkakape kaming dalawa ay hindi ko mapigilang kiligin. Kasama ko si Dexter na nagmemeryenda ngayon at inilibre niya pa ako. Pakiramdam ko, nananaginip ako ng gising sa mga sandaling ito habang kaharap ko siya. Hindi man siya palaimik at palangiti pero– okay lang. Sapat na sa akin na mapalapit ako sa kanya at matitigan siya nang gan'to kalapit. Pakiramdam ko, kumikinang ang mga mata ko na pinagmamasdan ang kay gwapo niyang mukha!
“Anyway, who's that guy?” anito na ikinakurap-kurap ko.
“Ha?”
Sinamaan niya ako ng tingin na ikinangiwi ko. Dahil sa pagkakalutang ko, hindi ko naintindihan ang sinabi niya lalo na't english iyon.
“Tsk. I'm asking you if who's that guy? ‘Yong kasama niyo kanina,” aniya na napakasuplado ng kanyang tono.
“Ah, si Inigo ba? Transferee ‘yon. Ka-batch din natin pero kasama namin siya sa section E. Bakit?” sagot ko dito na napanguso.
“So, Inigo is his name,” aniya pa na inubos na ang kape niya.
“O-oo, bakit mo naitanong?” tanong ko dito na napataas ang isang kilay at ngumisi.
“Do you like him?” diretso nitong tanong.
“Ngeee.”
Napangiwi ako na napakamot sa ulo. “Of course you like him. Magpapahatid ka pa nga sa bahay niyo, hindi ba?” aniya na tila nang-aasar.
“H-hindi ko siya gusto. Pero kinukulit niya ako magmula noong dumating siya. Madalas niya kaming yayahing magmeryenda pero tumatanggi ako kaya hindi sumasama iyong mga kaibigan ko. Kanina, nagpupumilit na naman siya kaya pumayag na ako,” sagot ko dito na nakamata lang sa akin at hindi mabasaan ng emosyon sa mga mata.
“You don't like him– for now. Pero kung nagpatuloy siya sa pangungulit sa'yo ay magugustuhan mo na siya, iyon ba ang sinasabi mo?” aniya na ikinakurap-kurap ko.
“Ano? Wala naman akong sinabing gano'n a.”
“Wala nga, pero base sa kwento mo ay mukhang doon rin ang bagsak niyong dalawa ni transferee,” anitong ikinalaglag ng panga ko.
“See?” aniya pa nang hindi ako nakasagot.
Ngumiti ako na umiling ditong natigilan na napalunok pa.
“Imposible iyan, Mr President, hindi ko siya gusto at isa pa. . . may iba na akong gusto. Malabong may magustuhan pa akong iba dahil para sa akin, may ibang nagmamay-ari na sa puso ko,” sagot ko ditong gumalaw ang gilid ng labi na bahagyang napangiti pero pinigilan.
“Let's go, ayokong nali-late sa klase ko,” aniya na tumayo na.
Napasunod naman ako na tumayo na rin. Lihim akong napangiti na siya nga ang nagbayad ng meryenda namin bago kami lumabas ng coffeeshop.
“Uhm, salamat ulit ha?” wika ko habang naglalakad kaming dalawa pabalik ng school.
Pinagtitinginan tuloy kami at pinagbubulungan. Napapairap at taas kilay pa ang mga kaklase naming babae sa akin na makitang kasama ko si Dexter.
“Tss. You don't have to thank me. Soon, sisingilin din naman kita sa mga utang mo, panget.” Aniyang ikinangiwi ko.
“Arabella nga kasi. May pangalan naman ako a. Oo na, pangit ako, pero hindi mo na kailangang ipamukha sa akin na pangit ako,” ingos ko ditong ngumising nilingon ako.
“E sa panget ang gusto kong itawag sa'yo e. Unless gusto mong. . . engot na lang? Total ang engot mo rin naman,” aniya na nang-aasar.
Inirapan ko itong napailing na nagpipigil mapangiti. “Ewan ko sa'yo. Nakakainis ka rin minsan e.”
Natawa ito kaya natigilan akong napalingon dito. Napalunok ako na bumilis ang t***k ng puso na nakamata sa kanya. Ang sarap sa tainga na marinig siyang tumawa at dahil iyon sa akin! Pakiramdam ko, may laban akong naipanalo na mapatawa ko siya!
“Ang gwapo niya talaga,” usal ko na hindi mapigilang matulala sa kanya.
“Isara mo nga ‘yan,” aniya na ikinakurap-kurap ko at napapisil sa baba ko na isinara ang bibig ko.
Napangiwi akong sinamaan siya ng tinging ngumisi. “Don’t look at me like that, panget. Na parang manglalapa ka ng buhay,” pang-aasar niya pa.
Hanggang makarating na kami sa tapat ng classroom nila. Huminto ako na tiningala siya at huminto din siya na nakamata sa akin.
“Hwag kang magpahatid do’n sa unggoy na transferee, panget. Hintayin mo ako mamaya–” aniya na tumalikod na. “Ako ang maghahatid sa'yo.”
Napakurap-kurap ako na pagkasabi niya no'n ay pumasok na siya sa classroom nila. Natutulala tuloy akong naglakad at paulit-ulit nire-replay sa isipan ko ang huling sinabi niya.
“Ako ang maghahatid sa'yo.”
Para akong lumilipad sa kaulapan sa mga sandaling ito!
“Ayaw niyang magpahatid ako sa iba. . . gusto niyang siya ang maghatid sa akin sa bahay. Bakit?” kinikilig kong usal sa isipan na nalulutang!
“Ara, ano ka ba?”
“Ayt! Bakit?”
Napabalik ang ulirat ko na hawakan ako ni Tina sa braso at muntik na pala akong bumangga sa dingding!
“Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Bakit tulala kang naglalakad?” aniya na ikinangiwi kong inakay na ako sa loob ng classroom.
Kinikilig akong niyakap siya sa braso na ikinataas ng kilay niya.
“Inilibre niya ako sa coffeeshop, bestie. Alam mo ba? Ang sabi niya kanina, hwag daw akong magpapahatid kay Inigo mamaya. Siya na ang maghahatid sa akin,” kinikilig kong pagbabalita ditong namilog ang mga mata!
“Totoo?”
Tumango-tango ako dito na impit na napairit! Nagtungo kami sa aming upuan at narito na si Jessa. Nakangiti siya sa amin na naghihintay sa upuan niya.
Naupo kami ni Tina sa silya namin. Pinagigitnaan nila ako ni Jessa. Kinalabit naman ako ni Jessa na nagtatanong ang mga mata.
“Ano'ng nangyari, bestie?” nasasabik niyang tanong na kinikilig.
Napairit ako na ikinairit din nitong nahampas pa ako sa braso. “Sa may coffeeshop kami nagtungo, bestie at– inilibre niya ako. Um-order siya ng caramel macchiato at cheesecake na pinagsaluhan namin. Tapos mamayang hapon–” pagbabalita ko dito na nakalarawan ang kasabikan sa mga mata.
“Ano, bestie? Ano ang mangyayari mamayang hapon?” pabulong tanong nito na kinikilig.
Napairit muna ako bago sumagot. “Ihahatid niya raw ako sa bahay. Ayaw niyang si Inigo ang maghatid sa akin,” kinikilig kong turan ditong napatili pa nga sa kilig!
“OMG, Ara! Ikaw na talaga,” kinikilig niyang irit na sinang-ayunan ni Tina.
Napalapad ang ngiti ko na pinamumulaan ng pisngi.
“Tinalo mo na si Becca, Ara. One point pa lang sa kanya. Siya pa ang nagsabi kay Dexter na ihatid siya, habang ikaw? Si Dexter ang nagkukusa na maghatid sa'yo at inilibre ka pa,” wika ni Jessa na ikinangiti namin ni Tina.
“Mukhang napapansin ka na niya, Ara. O baka naman. . . matagal ka na niyang napansin, hindi niya lang pinapahalata,” dagdag pa ni Tina na impit naming ikinairit na magkakaibigan!