ARABELLA: MADILIM na nang makarating kami sa mansion kung saan naninilbihan si Lola Mely. Sinalubong naman niya ako sa terminal kanina. Ang sosyal nga dahil Mercedes Benz pa talaga ang kotse na ginamit niya kahit mayordoma lang siya ng mansion. Para na ng siyang madame dito sa mansion. “Siya nga pala, apo. Ang papalitan mong katulong, si Lilia, nanganak kasi iyon at hindi pa pwedeng makabalik sa trabaho. Si Sir Adam ang alaga no'n. Kaya si Sir Adam ang paglilingkuran mo sa mansion. Ikaw ang maglilinis ng silid niya, ikaw ang mag-aayos sa mga gamit niya, ikaw rin ang tagalaba sa mga damit niya. Mabait naman si sir, kahit ang pamilya nila. Pero syempre– dapat gawin mong maayos ang trabaho mo dahil malaki ang pasahod nila sa atin. Kapag natapos mo naman na ang mga gawain mo, pwede ka nang m

