ARABELLA: DALAWANG oras din ang itinagal namin ni Dexter sa bahay nila Tina. Nakakahiya din kasing umalis na kadarating lang namin. Mabuti na lang, naiintindihan nila tita na sumaglit lang ako at nakita naman nilang kasama ko ang anak ng governor namin. “Dex, thank you ha?” wika ko habang nasa daan kami. Mabagal lang siyang magpatakbo ng bigbike niya. Nakayakap naman ako sa kanya mula sa likuran at ninanamnam ang sandaling meron kami. Mamaya kasi pagbalik namin ng bahay nila, hindi ko na siya pwedeng yakapin nang gan'to. Tiyak na mapapansin kami nila mama at baka paglayuin pa kaming dalawa. “Para saan, panget?” tanong nito. “Ngayong gabi, ang saya ko,” tugon ko na mas niyakap ito. “Masaya ka ba kasi nakasama mo ang mga kaibigan mo– o masaya ka dahil magkasama tayo? Alin sa dalawa,

