ARABELLA: "SALAMAT po. Hindi niyo alam kung gaano niyo ako napasaya ngayong gabi. Wala man dito ang mama, boyfriend at mga kaibigan ko ngayong kaarawan kong ito, pakiramdam ko ay kinumpleto niyo po ako," luhaang pasasalamat ko sa kanila matapos naming magyakapan nang may katagalan. Nagulat pa sila sa sinabi ko. "Really? It's your birthday today too, sissy?" bulalas ni Janna na kinikilig. Ngumiti ako na tumango-tango. "Oo, b-birthday ko rin ngayon, s-sissy." Nahihiya kong sagot dito. "OMG! Happy birthday to us, sissy!" irit nito na ikinangiti ko. Pinahid naman ni Ma'am Hannah ang luha ko at matamis na ngumiti sa akin. "Happy birthday, sweetheart. Napakasaya ko na kasama ko na kayong lahat." Pagbati nito sa akin. "Teka-- you have a boyfriend now, anak?" tanong ni Sir Russel na sa ak

