ARABELLA: MAGKAKAHARAP kaming kumain nila mama at Dexter. Alas-onse na din kaya nagtanghalian na kami. Nahihiya nga ako dahil unang umaga ni Dexter dito, tanghali akong bumangon. Kung hindi pa ako ginising ni mama, hindi pa ako babangon. “Siya nga pala, anak, iyong mga binili ni Damian, doon ka mamili ng isusuot mo mamaya ha? Naalala ko, wala ka palang ibang maisusuot para sa party ni Dexter mamaya,” saad ni mama. Natigilan ako sa akmang pagsubo at nakikinig si Dexter na kay ganang kumain. Feel at home kaagad ang atake. “Hwag na po, Mama. Wala akong planong sumama e. Hindi naman kami magka-section ni Dexter. May celebration sila Tina ngayon e. Doon po ako dadalo,” sagot ko na ikinatigil ng mga ito na napatitig sa akin. Kimi akong ngumiti na nagpatuloy sa pagkain. Kahit nakatitig si

