After 1 week Sa wakas ay napakulong na ang tatay ni Lily sapagkat hindi na din nakayanan ng konsensya nito na magsinungaling pa. Umamin na lang ito sa kasalanan na ginawa niya at nagsisi na. Hindi man siya mapatawad ni Lily ay alam naman niya na darating ang araw na iyon, hindi siya nawawalan ng pag-asa. Magkagalit pa rin si Gerald at Lily. Todo iwas sila sa isa't isa kapag nasa bahay at hindi na rin nagkakasama kapag nasa eskwelahan. Gusto man nila pansinin ang isa't isa ay hindi nila magawa dahil nangingibabaw ang pride nila. Bakit kaya ganoon ang tao ano? Bakit hindi na lang mag-usap at ayusin ang dapat ayusin? Nagtitimpla ng kape si Gerald, tahimik lang siya. Wala siyang pakialam kahit alam niyang nasa paligid niya lang si Lily. Paalis na sana siya at papasok na sa loob ng kwarto p

