Tama nga ang hinala ng guro ni Lily. Pagsapit ng umaga ay nasa harapan ng kapitbahay ang asawa niya at nagmamakaawa na balikan siya nito. "Parang awa mo na, lasing lang naman ako kaya nasasabi ko iyon pero walang ibigsabihin ang mga iyon. Halika na sa bahay natin, kung gusto mong isama ang bata ay ayos lang sa akin." pagmamakaawa nito sa asawa at lumuhod pa ito sa harapan niya "Huwag na po kayong maniwala dyan, alam niyo sa sarili niyong sasaktan lang po kayo niyan. Huwag na po kayo maniwala." sabi ni Kuya Gerald sakanyang guro "Neng, ipasok mo muna ang mga bata. Mag-uusap lang kami ng asawa ko. Salamat." sagot ng teacher nina Lily at Kuya Gerald Pinapasok muna sila sa kwarto at nag-usap muna ang mag-asawa na sila lang. Para na din matapos ng mag-asawa ang issue nila sa isa't isa ay mi

