Alam naman ni Gerald na hindi siya ang pipiliin pero nilakasan pa rin niya ang loob niya para tanungin si Lily kung sino ang sasamahan niya. Mahal niya kasi talaga eh, ganun naman talaga kapag mahal mo hindi ba? "Bakit pipili pa? Pumili na si Lily hindi ba? Ako yung pinili niya, aasa ka pa rin na pwedeng magbago ang isip niya? Paalala ko lang, kami ang may anak dito. Doon pa lang, natalo na kita. Umalis ka na lang." sabat ni Oliver kay Lily at Gerald "Pare, ikaw ba si Lily? Hindi naman ikaw yung tinatanong ko hindi ba? Huwag kang abat ng sabat sa amin. Alam kong ikaw ang ama ng bata pero ang tanong ko sa iyo, kaya mo bang tumayong ama para sa bata? Mukhang hindi kasi eh." sagot naman ni Gerald kay Oliver "Sino ka para kwestyunin ang pagiging tatay ko sa anak ko? Syempre naman, kaya ko i

