Dahil gustong-gusto talaga bumawi ni Gerald kay Lily ay hinanap niya ito sa f*******: at tiningnan kung taga-saan ito. Doon niya din nalaman na boyfriend na pala ni Lily si Oliver, pero kinalma niya lang ang sarili kahit alam niyang sobra siyang nasasaktan dito. Naloko nanaman siya ni Lily sa pangalawang pagkakataon pero iibahin na niya ang pagtuklas dito. Hahayaan na niyang si Lily mismo ang magsabi sakanya ng katotohanan, hindi na siya gagawa ng eskandalo. Kung gusto ni Lily makipaglaro, bibigyan niya ito ng laro kahit na nasasaktan pa siya. Naisipan nito na puntahan si Lily sa bahay nito, magtatanong-tanong na lang siya sa mga kapitbahay para hindi siya maligaw. Pumunta rin siya sa flower shop para bumili ng bulaklak at sa mall para bumili ng chocolates. Sa totoo lang ay hindi niya d

