Kinabukasan ay tuwang-tuwa si Gerald dahil sa wakas ay ayos na ulit sila ni Lily. Nangako na ito sakanyang sarili na hindi na niya pakakawalan pa ang dalaga, never again. Bata pa kasi sila noon kaya hindi pa niya alam kung tama o mali ang mga desisyon niya sa buhay. Ang mahalaga sakanya ngayon ay nasa tabi na niya ulit si Lily. May trabaho naman na siya pangtustos kung sakaling maging asawa niya si Lily sa mga susunod na taon, talagang buo na ang puso nitong pakasalan si Lily. Bumangon na si Lily dahil nakaamoy ang dalaga sa niluluto ni Gerald para sakanilang dalawa. Pagbangon niya ay nakita nanaman niyang nakaboxers ang binata kaya nagulat siya at tinakpan ang kanyang mga mata. "Parang hindi mo naman natikman 'to kung makatakip ka ng mata dyan. Your eyes are not virgin anymore, my l

