Pagkatapos ko maisip na maaaring wala namang ginawang kamalian sa akin si Ismael ay inabangan ko kinagabihan ang pagtawag niya sa akin. Ngunit hindi nagtagal ay napakunot ako ng noo dahil lampas na sa nakagawiang oras ang kanyang pagtawag. Dahil doon ay inip na inip na tinapik ko sa ibabaw ng mesa ang daliri ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Ngunit dumaan muli ang kalahating oras pero wala pa rin ako na natatanggap na tawag mula sa kanya. "T-That's weird..." takang komento ko, "Dapat magme-message man siya sa akin kung male-late siya ng tawag." Napatingin ako sa orasan at talagang kailangan ko na matulog dahil hindi makakabuti sa buntis na katulad ko ang magpuyat. Kaya kaysa antayin pa ang pagtawag ni Ismael ay naisipan ko na ako na lang ang tumawag sa kanya. Siguro kahit hindi

