Pagkatapos na mahatulan si Amanda ng habang buhay na pagkakakulong ay mahimbing na nakatulog sina Ismael at Cathy sa kanilang kama. Pakiramdam nilang pareho ay nawala ang anumang bigat na nakadagan sa kanilang dibdib. Pareho sila nakahanap ng peace of mind pagkatapos ng halos isang taon na pakikipaglaban nila sa mga taong nais na paghiwalayin sila. Una si Eric na nagdeklara na siya ang ama ng pinagbubuntis ni Cathy at sinubukan pa niya na patayin si Ismael dahil sa matinding inggit sa lalaki. Sumunod naman ay si Amanda na handa gawin ang lahat ng paraan maangkin lang muli si Ismael at makuha ang buong yaman nito. Kaya nang magising sila kinaumagahan ay masayang napangiti ang mag-asawa sa bawat isa. Marahan na hinaplos pa ni Ismael ang pisngi ni Cathy. "Good morning, wife," inaantok ng

