"At 9 am, you have a private meeting with Mr. Lim about the new project. At lunch, you have a virtual meeting with Mr. Scotts about his revised business plan. At 2pm, you have a planning meeting with the company's branch managers. At 4 pm, you have a virtual meeting with Mr. Tuazon. At 6 pm, another virtual meeting with Mr. Smith. And at 8 pm, you have to attend a business planning with the department heads," tuluy tuloy na pagbasa ko sa buong schedule ni Ismael ngayong araw. Dalawang buwan na rin pala ang nakalipas mula nang makabalik kami ng Paris. At magmula nang araw na iyon ay naging mas triple ang dami ng trabaho namin sa opisina. Iyon ay dahil sa sunud sunod na dumating ang mga business proposal sa aming opisina at mga galing pa ito sa mga nakilala naming negosyante sa convention.

