Sa pananaw ni Michelle
Pagkatapos ko kumain pumasok agad ako ng kwarto para maligo upang makapaghanda na sa klase, at maka alis na agad, baka malate nanaman ako at pagalitan nanaman ako ni mrs. Reyes,
*********
(Matapos ang isang oras)
-TAGPUAN: SA PAARALAN-
"Good morning every one" bati ni mrs reyes kinakabahn nanaman ako ngayon pala ang speech di ko na narinig ang ilang mga sinabi ng aking guro dahil sa kaba ko.
Matatapos din ito....
Matatapos din ito....
Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko para makawala ng kaba.
"Kabado ka nanaman bes?" Nalingon ako ng marinig ko ang boses ni Stacy, mukhang hindi siya kinakabahan, kalamado lang ang kanyang mukha, paano ba naman sanay na siya sa mga ganito.
"Oo eh ito ang pinakaayaw ko ung speech" pinilit kong ngumiti sa kanya para mawala ang kaba ko.
"Michelle! Ikaw na ang sunod" *dug dug dug* tumayo ako ng upuan ko bitbit ang mga gamit na aking gagamitin sa harapan, nagpakawala ako ng malalim na hangin.
"Matatapos din ito...." Nakaramdam na ako ng pagkagaan ng loob kayaa ko to tumayo ako sa harapan at nagsimula na...
Pagkatapos naming magperform lahat isa ako sa napili upang ilaban sa speech contest sa ibang paaralan, hindi ako makapaniwala mukhang natutuwa sila ina pag nalaman nila.
******
Kakatapos lang ng klase tumungo ako agad sa library para maghanap ng mga libro tungkol sa luid dreaming at dream traveler sabi kasi ng kaibigan ko mahilig daw sa mga ganitong libro ang anak ng mayari ng school kaya may sariling kuwarto ang mga libro ukol dito. Kaso ang alam ko may sakit ang anak nya ngayon nasa ospital? Na comatose raw.
Lumapit ako sa bookshelfs at tinignan isa isa ang mga libro at hunahanap ako ng tungkol sa dream travelers .
"Lucid dreamer... " - hindii
"SECRET traveler..." -hindi
"Exploring the world of lucid..."
"gate way to inner self..." Hah? Ano daw
"Creative dreaming... "argh hindi rin ito
"Inner work..." Hindi ito
"Dream Travelers !" Ito ang kailangan ko buti nalang nakita ko agad
Dali dali akong umupo sa upuang malapit sa kinatatayuan ko, binuklat ko ang libro at ngsimulang basahin ito mga ilang minuto pa ang nakalipas may lumapit sa akin na librarian, hindi ko ito pinansin at tumuloy lang sa pagbabasa.
"Paboritong basahin yan ni Tristan" rinig kong pagkukwento nya sa akin si Tristan pala ang anak ng mayari ng school na ito,
"Yan ang lagi niyang binabasa bago siyang macoma dahil sa car accident, sabi nya sakin noon magiging dream traveler siya" tumigil ako sa pagbabasa at nakinig nalang sa kanya mukha namang interesting ih
Baka may makuha rin akong mga kaalaman, nakakatamad rin kasi magbasa ng libro tas may nagdadaldal pa hindi ko maiintindihan
"Totoo po ba ang mga dream travelers?" Tanong ko sa kanya, ngumiti ito at tumango akmang magkukwento
"Oo, sa atin lamang ito ah? Nung bata ako nakakagigising ako sa isang panaginip ngunit hindi sa aking panaginip napupunta ako sa panaginip ng iba..." So totoo nga si christian pero bakit siya biglang nawala... Argh bahala na nga
"Nagigising din po ba ang mga traveler?" Ngumisi siya at tumungo sa akin
"Ang mga traveler ay may dahilan bakit sila
naging ganoon, maaring nababangunot, na comatose, patay na or maari rin na dinala lang" biglang bumilis ang t***k ng puso ko bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya, maari kayang nabangungot lang si Christian at nagising na siya? Maari bang di ko na siya makitang muli?
"Aalis na po ako kuyah!, May kailangan pa po akong gawin, pasensya napo maraming salamat po sa oras nyo!" Mabilis kong pamamalaam nagulat naman siya dahil nag mamadali akong umuwi.
Baka kasi nandun na si chris sa mansion ko gusto ko na siyang makita, umuwi ako agad para kumain, matutulog ako ng matagal tutal holiday naman bukas
"Hi anak? Musta ang araw mo?" Ngumuti si ina, lagi niya akong sinasalubong na nakangiti at kinukuha ang mga bitbit ko.
"Ma isa ako sa napiling lalaban sa contest ng speech" namilog ang mata ng aking ina sa pagkagulat, hindi kasi ako mahilig sumali sa mga ganoon lagi kong tinatangihan hindi ko alam bat ako nagkaroon ng lakas ng loob ngayon.
"Wow ang galing naman ng anak ko" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo, "carl ang ate mo sasali sa isang paligsahan" tumakbo agad si carl mula sa kusina at ngumiti rin sa akin, mqsaya ako na may ganito akong pamilya.
"Wow naman ate! Sumali ka rin sa wakas galingan mo ah! Gusto ko ate champion ka ah" ngumiti rin ako at ginulo ang buhok niya "oo naman bunso may mga taga suporta ako eh" niyakap ako ni ina at carl pero madali ring kumalas.
"Kain kana anak baka napagod ka" sumunod ako kay ina sa kusina, nakabuntot naman sa akin si carl.
Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko at humiga.Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok
"Carl!!? Matutulog na ako pakisabi kay ina!" Agad kong pinikit ang mga mata ko mabilis namanakong nakatulog ngunit nakakapagtaka ang tahimik, "chris!?" Sigaw ko ngunit walang chris na lumabas nakakainis naman !
Umupo ako sa sofa at nakatingin sa kawalan "nasan na kaya siya*sigh*" lumabas ako agad at nagikot ikot nakailang oras akong nagiikot at naghahanap sa kanya.
baka nandito lang siya sa paligid ko, naisipan kong bumalik nang biglang bumuhos ang ulan, siguro kasi'y malungkot ako pumasok nako sa loob upang uminom ng mainit na kape,
Tumungo ako wa refrigerator at kumuha ng mga kasangkapan, naisipan kong mag bake ng cake.
Pagkatapos kong kainin ang binake kong cake ay umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. Ilang oras ang nakalipas wala parin siya nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naisipan kong bumalik.
"wala naman akong mapapala dito mabuti pa'y gumising na ako" malungkot kong pinikit ang mga mata ko nabigo akong makita siya. Namimiss ko na siya ano ba ang nangyari sa kanya namimiss ko na siya...
******
Hi guys sorry kung maikli lang ud ko short story lang tlga dapat ito pinahaba ko lang!!! Ieedit ko po ito pag may naisip akong dagdag