Senimulan na nang mag ama ang plano nila nagbabaka sakali sila na makita nila si Black mask,maraming magaling na fighter may kanya kanyang teknik pakitaan nang gilas galing pero hindi pumapasa para sa chairman.napadalhan narin nila nang imbitasyon ang gamit gamit ni Black mask na email pero nirereject ito hindi parin nagpapakita hindi kagayanon isang padalahan lang andyan na kaagad,kahit ang binata umaasarin na makita nya ang taong napag utangan nya nang buhay.
Enzo:
Dad naka ilang linggo na tayo pero hindi parin natin sya nakita.
Enrique:
Kayanga anak
Enzo:
Hindi kaya dad tumigil na ito sa ganitung trabaho okaya baka may nangyari sakanya sa iba nyang laban
Enrique:
wala akung maisasagut nyan sayo iho kahit ako nanghihinayang nang biglang may tumawag kay Enrique
Caller:
Chairman,nahanap kona kung nasan si Lebra ipapadala ko sayo ang address nito
Enrique:
Good good salamat segi antayin ko,iho maona kanang umowi maypupuntaha lang ako..
Enzo:
dad gusto mo samahan na kita para maykasama ka
Enrique:
Wagna iho umowi ka nalang baka mag alala ang mommy mo may mga tauhan naman akung kasama kaya ayus lang ako..segi na umowi kana mag iingat ka sa pag uwi
Enzo:
ikaw din dad..
- Pampanga-
Masaya ang pamilya ni Angeline sa pag bakasyon nila ni Remart nong nakaraan kahit san dali lang sila naibsan naman ang pangungulila nang mga magulang nila pati narin ang ama ni Remart na si Mateo,,nasa labas nang bahay si Mateo at Angelo nagkakape habang nasa loob nang bahay ang ina ni Angeline.
Angelo:
Aquarius anong balita
Mateo:
Lalung lumala inabuso nya ang kapanyarihan nalunod natalaga sya sa kasamaan ni sa panaginip hindi ko inaasahan ang nagawa nya saatin lalung lalo na sayo,naging sakim at gahaman sya sakabila nanglahat na naitulong mo non sakanya,ngano lahat na iligal pinasukan na nito. at hangang ngayon walaparing katawan na nakikita na magpapatunay na patay na nga ang byanan mo.
Angelo:
wala na tayung magawa sakanya nasilaw na sya sa kung anong tinatamasa nyan mapanganib na syang tao..
Mateo:
Shangapala nakailang besis na nagpadala nang embitasyon ang Red Dragon Organisation para kay Black mask pero nirereject ko ito..nakita kung masayana ang inaanak ko da trabaho nya pero hindi natin hawak ang pag iisip mo lebra,
pagkatapus nyang malaman ang dahilan sa pagkabaldado nang kamay mo..
Angelo:
Alam ko pero hindi ko pinagsisihan ito dahil don naging pursegido sya na matotong magmasid makiramdam kung kaaway baito oh kakampi hindi basta basta magtiwala at higit sa lahat at lumaban,,hindi ito ang gusto kung buhay para sakanya Aquarius kaya nga tayo nag pakalayo pero seguro sadyang nanalatay sakanya ang buhay na madugo mula sa angkan nang kanyang iha hangang saakin.
Mateo:
Anong plano mo ngayon basi sa mga pinagtagpi tagpi kung analisa naghahanap na ang kabilang kampo na panapat sa black dragon para sa ikatatahimik nang lahat at para matigil na ang magkabilaang p*****n at iligal na gawain nito.
Angelo:
Aquarius,naturo mona lahat na alam mo sa pakikipag laban maging ako nabigay kona sakanya ang kahuli hulihang kaalaman ko kita morin kung paano sya makipag laban iba saatin nuon gamit ang mga tinuro natin sakanya maysariling bilis galaw din ito na hindi kayang basahin nang simpling mga mata..
Mateo:
Tama ka sa pagiging kalmado nya at mata lang ang pinapagalaw para masundan ang pag ataki sa kalaban ay malaking kakaibahan saatin, ngayon palang lebra binabati na kita may susunod na sa mga yapak mo balang araw