WARNING:SPG (FIREWORKS) May mga bagay talagang handa mong gawin kapag nagmamahal ka na. Gaya ko. I never knew how to cook. Ultimo pagsaing ay hindi ko kaya.. pero magmula nang magstay si Coles sa unit ko ay ginanahan na akong magluto. It all started, probably six months ago. Palagi siyang nandito.. halos ayaw nang mahiwalay sa akin. Minsan umuuwi na kapag nakatulog na ako.. or super late na kaya inalok ko na siyang magstay dito. Tutal parang dito na rin siya nakatira eh. Dito ang diretso niya para lutuan ako ng breakfast, tapos sa gabi, magluluto din siya or take out na lang. Ang natatawa lang, hindi na rin siya nagpatumpik tumpik pa. He moved all his stuff that night. Then ngayon nga ay para na kaming mag asawa.. It had been a smooth year for us.. Masarap siyang makasama.

