POLYAMOROUS Lunes na lunes ay ang daming homework na pinapauwi ang mga teachers namin. Badtrip! Tapos may long quiz pa sa history! Kaya naging matandang dalaga si Miss Alajar eh! Hindi nakamoved on sa past niya! Nagpalit ako ng maikling cotton shorts at maluwag na tshirt na may mukha ni Katy Perry. I love her so much talaga. Punom puno nang songs niya ang phone ko. Nang makapagbihis ay kinuha ko na ang mga books at notebooks ko. Nasagutan na namin nina Gia yong iba. Itong math lang talaga ang hindi ko maintindihan kahit anong gawin ko. Nang mainis ay sumandal na ako sa upuan ko. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. I reached for it and saw Coles name flashing on the screen. Napangiti ako agad at sinagot ito. "You home?"Namamaos ang boses na bungad ni Coles. "Oo.. ahmm

